Ara Mina to Polo Ravales: "Baka hindi talaga ako 'yong right girl for you"


Sexy actress Ara Mina says to her boyfriend Polo Ravales, "Baka hindi talaga ako 'yong right girl for you."


Hindi na napigilan ng sexy actress na si Ara Mina ang umiyaknang ilahad niya ang estado ngayon ng relasyon nila ngboyfriend na si Polo Ravales.

"Sa totoo lang, hindi komaintindihan ang sitwasyon namin," pahayag ni Ara sa live interview ng Startalk noong February 10.

Ayon sa kanya, marahil daw ay nagkaroon ng pagtatampo siPolo dahil sa hindi sila nakapag-usap noong Pebrero 4, ang araw pagkatapos ngkanyang major concert na naganap sa Araneta Coliseum.

Panimulang kwento ni Ara, "Sabi ko kasi after the concertmag-uusap kami. Syempre the wholeSunday, nagpahinga ako. Sobrang pagod,parang kulang pa 'yong isang araw ng pahinga. Parang pakiramdam niya wala daw akong effort na ayusin."

Patuloy pa niya, "Siyempre gusto ko fully rested muna ako bagoako makipag-usap sa kanya, and everydaynaman kaming nag-uusap pero most ofthe time, nagka-clash kami tapos parang binabalik yung dati."

Sinabi pa ni Ara na noong busy si Polo samga projects niya noon ay sinubukan naman niyang intindihin ang kasintahan. "Pero this timenoong ako na ang sobrang busy, parang feeling ko hindi niya kaya," sabi ni Ara.

Parehong inamin ng dalawa sa magkaibang interview na "lie low" muna ang estado ng kanilang relasyon.

Sa isang taped interview ni Polo na ipinalabas din sa Startalk,sinabi niyang, "We still love each other. We still care for each other. Yun nga lang, kung tatanungin mo commitment, wala. Napag-usapan namin na for the meantime langnaman."

Tungkol sa "breathing space" na hiningi ni Polo, ipinaliwanag ng sexy actor na, "For the meantime, mas makakapag-concentrate siya at saka ako rin. Gagamitin namin ang time na 'to paramag-reflect, para malaman namin talaga kung ano ba 'yong pagkukulang namin saisa't isa."

Kaugnay nito, hindi naman itinanggi ni Ara na masyado siyangnaging abala sa trabaho kung kaya't nawalan siya ng oras para sa relasyonnila. Sa katunayan, isang bagay na ipinagtampo ng binata kay Ara ay ang hindi pagdalaw ng aktres noong magkasakitsi Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, alangan naman yung commitment ko indiyanin ko paradalawin siya, 'di ba? Ako namansiyempre, kung kaya kong i-divide yung time ko, idi-divide ko naman. Nagawa ko naman 'yon sa past relationships ko,e," paliwanag ni Ara.

Hindi rin ikinaila ni Ara na magkaiba sila ni Polo ng mgapananaw kung kaya't minsan ay nagka-clash sila kapag nag-uusap.

Aniya, "Kaya lang parang magkaiba kami nglevel ng... Iba 'yong point of view ko sa buhay, iba 'yong point of view niya.

"Sabi ko nga, ‘Siguro dapat hindi panagtatrabaho 'yong girlfriend mo. Siguro dapat estudyante pa lang 'yong girlfriend mo para may time kayosa isa't isa. Baka hindi talaga ako 'yong right girl for you.'"

Dagdag pa niya, "Parang sinabi niya sa akin na dapat daw hindi muna akonagbo-boyfriend kasi ang dami ko daw iniintindi. May business ako, may trabaho ako."

Sa kabila ng mga hindi pagkakaunawaan, aminado naman angmagkasintahan na mahal pa rin nila angisa't isa. Ito ang dahilan kung bakitnahihirapan si Ara sa sitwasyon nilang dalawa.

"Sobrang emotional lang ako kasi ang hirap e. Ang hirap kasi pareho pa naming mahal angisa't isa e,"umiiyak na pahayag ni Ara.

Huling nagkita sina Ara at Polo sa debut ngkapatid ng huli na si Cristine Reyes noong Biyernes, ika-9 ng Pebrero. "Pero sad to say, 'di panamin ma-work out," malungkot na sabi ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN