It's a working Valentine's day for Kyla and Karylle


Kyla (left) and Karylle will be both working on Valentine's day.



Parehong may shows sa mismong Valentine's day, February 14, ang young singers na sina Kyla at Karylle. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa SOP co-hosts ay sinabi nilang ang Valentine date nila sa kani-kanilang mga boybfriends ay dun na rin mismo sa venue ng kanilang concerts gagawin.



Nasa Klownz Angeles si Kyla sa Araw ng mga Puso. Mabuti na lang daw at wala pa silang naging plano ng boyfriend niyang si Rich Alvarez for the Valentine's. Last year ay ikinuwento ni Kyla na lumabas lang daw sila at nag-dinner sa isang mamahaling restaurant.



Ayon pa kay Kyla, last year ay may usapan na sila ni Rich na huwag nang magbigayan ng regalo dahil nag-iipon nga sila para sa bahay na kanilang ipatatayo. Pero sabi ng R&B Princess ay si Rich daw ang sumisira ng kanilang usapan dahil patuloy pa rin daw ang basketball player sa pagbibigay ng regalo sa kanya.



"Last year, he gave me a Louis Vuitton bag," nakangiting sabi ni Kyla. "E ang expensive no'n, di ba? Pero sabi ni Rich, gusto raw niya akong regaluhan ng ganun at wala raw akong magagawa to stop him."



Kuwento pa niya, "Like noong birthday ko, I told him na huwag na niya akong regaluhan ng mahal. Basta simple lang na siya ang gumawa, I will treasure it. Pero LV bag pa rin ang ibinigay niya.

"Sabi nga ng mga friends namin, I should be happy na alam ni Rich na expensive ang taste ko. Tama nga naman. Tsaka pera naman niya ang ipinambili kaya I gave him naman a kiss," natatawang pahayag ng magaling na singer.



Samantala, sinabi rin ni Kyla na malapit na raw simulan ang kanyang third album after ng last album niyang Beautiful Days. Inamin ni Kyla na mahirap daw talaga ang magkaroon ng magandang album ngayon dahil sa laganap na piracy sa music industry. Tuloy ay hindi raw niya alam ang status ng kanyang album sa market.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kakatapos lang palang mag-show ni Kyla sa Metro Bar last February 9 at sa Teatrino noong February 10. Tuluy-tuloy pa rin ang paghu-host niya ng Pop Star Kids sa QTV 11.



Isang Valentine show rin ang gagawin ni Karylle on the 14th with Nyoy Volante naman sa Shangrila Makati billed as Timeless Classics. Sa February 17 naman ay may mini-concert siya with her mom Zsa Zsa Padilla sa Glorietta at sa Metro Bar with Side A.

Magtu-two years na si Karylle at ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa April. So far, maayos naman daw ang lahat para sa kanila. Natapos na raw kasi ang mga intriga na sumabay sa kanilang relasyon.

Matatandaang last year ay inulan ng mga intriga ang magkasintahan. Nandiyang i-link si Dingdong kay Iza Calzado na madalas makapareha ng young actor on screen. Nandiyan din ang isyu about Dingdong's ex-girlfriend, Antoinette Taus. Tuloy, natsismis na nag-break na sina Dingdong at Karylle.



"Wala na nga raw nanggugulo," tawa ni Karylle. "Ako naman, deadma ako sa mga naging tsismis noon. I know naman na may mga gusto lang manggulo sa amin.

"Mas affected si Dong kasi bilang lalake raw, he wants to protect the relationship. Nagtataka nga siya kung bakit hindi raw ako apektado. Sabi ko naman, I have nothing to fear kasi wala naman nangyayaring hindi maganda sa relasyon namin," pahayag pa ni Karylle.



Nang tanungin kung ano ang plano nila ni Dingdong sa Valentine's day, sinabi ni Karylle na baka mag-date na lang sila ng kasintahan pagkatapos ng Araw ng mga Puso. Ang gusto ni Karylle ay mag-out-of-town na lang sana sila para makaiwas sa maraming tao.

Ano naman ang regalo niya kay Dingdong for Valentine's day?



"Naku, wala pa nga akong naiisip na ibigay sa kanya!" nangingiting sabi ni Karylle. "Mahirap talagang hanapan ng gift ang mga lalake. Unlike kaming mga babae, madali lang. Like last year, Dong gave me a piano. The same piano na nasa Moments of Love movie. We both play the piano kasi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Okay lang daw kay Karylle na wala muna siyang drama series ngayon dahil mas concentrated daw siya sa paggawa ng bago niyang album.



"I'm coming out with a new album this year, hopefully middle of 2007. Okay lang that I don't have a regular soap drama ngayon. After kasi ng Encantadia, medyo naapektuhan ang boses ko sa every day na pagpupuyat noon. I want to rest muna from that. Pero kapag maganda naman ang role na io-offer nila, I might consider din naman," pagtatapos ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN