Richard Gutierrez flies to New York for a makeover


Young actor Richard Gutierrez is set to fly to New York City on February 17 for a short vacation and shopping spree! He plans to buy suits that he'll be using for "Lupin," his upcoming TV series in GMA-7.



Headed for New York City pala si Richard Gutierrez after the first-day run of The Promise sa February 14. Combination raw ng bakasyon at trabaho ang pagpunta ng young actor sa Big Apple. February 17 ang nakatakdang paglipad ni Richard sa New York.



First time raw makakapunta si Richard sa New York kaya excited ang binata. Hindi raw kasi natuloy ang plano niyang magbakasyon sa Australia after ng Captain Barbell dahil agad ang kanyang shooting for The Promise, kung saan kapareha niyang muli si Angel Locsin.



Maliban daw sa pamamasyal sa Manhattan, ang isa pang dahilan ng pagpunta roon ni Richard ay para magpa-makeover for his new show on GMA-7 na Lupin. Magpapaiba raw ng hairstyle at kulay ng buhok si Richard para raw bumagay sa bagong character na gagampanan niya sa Lupin. Perfect daw ang New York for his makeover dahil doon unang lumalabas ang mga bagong looks, pati na mga bagong trend sa fashion.



Ani Richard, "They wanted me to have a different look for Lupin kaya we decided to fly to New York and check out kung ano ang bago dun. Katatapos nga lang daw ng New York Fashion Week kaya maraming bago for men's fashion."

Dagdag pa niya, "Mga suits kasi ang isusuot ko for Lupin. Yun din kasi ang mga suot ni Lupin sa anime series, di ba? This time kasi, parang mala-James Bond ang dating ni Lupin."



Humigit-kumulang $2,000 daw ang aabutin ng pagpapagupit at pagpapakulay ng buhok ni Richard sa New York. The rich and famous lang daw ang nakaka-afford na magpaayos sa mga mamahaling salons sa New York at makakabilang na roon si Richard. Pero tutulong naman daw sa gastos ang GMA-7 kay Richard, lalo na pagdating sa pagbili nito ng mga damit na gagamitin sa Lupin.



Balitang kasama ni Richard patungong New York ang girlfriend niyang si Georgina Wilson, a fashion model. Umaasa si Richard na sa pag-alis niya ay maging big hit ang pelikula nila ni Angel na The Promise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN