Robin says he cannot court Angel because of their age difference


Action superstar Robin Padilla admits he still can't adjust to his kissing scenes with Asian Treasures leading lady Angel Locsin.



Mauunang aalis si Robin Padilla patungong Thailand way ahead of his co-stars sa Asian Treasures na sina Angel Locsin, Marvin Agustin, Diana Zubiri, and Jaime Fabregas.

Lilipad na patungong Bangkok si Binoe on February 15, kasama ang dalawa niyang anak na sina Queenie at Kyle. Mag-aaral ang mga anak ni Binoe ng Muay Thai and Kendo, two types of martial arts; the former the Thailand way of boxing and the latter a stick type of martial arts.

March 11 naman ang alis ng mga co-stars ni Binoe, pati na ang production staff of the toprating adventure series ng GMA-7 headed by Direk Eric Quizon at sa Bangkok sila magku-converge. The production plans to tape several tourist spots in Thailand, including the old kingdom city of Ayutthaya and the Damnoen Saduak Floating Market sa Ratchaburi, both located in Bangkok. Pati na rin sa Chang Mai na nasa Northern Thailand naman.

From there, lilipad sila sa Beijing, China and then sa mountainous kingdom of Mongolia. There are also plans of taping several key scenes sa India kung may oras pa.

Sa send-off party na ginawa ng GMA-7 for Binoe kaninang lunch, February 12, sa Skyline restaurant sa Kapuso Network, natatawa si Binoe sa mga tanong na kung nanliligaw na ba siya sa co-star and partner niyang si Angel lalo pa't single na ito ngayon.

Naalangan daw siya sa age difference nila at masyadong bata ang tingin niya kay Angel. Kung sa action scenes lang daw ay sobrang bilib siya kay Angel. Pero sa mga romantic scenes daw ay hindi pa siya nakakapag-adjust.

Kung sabagay, sa ganda at sa kaseksihan ni Angel, sino naman daw ang aayaw dito. Kaya nga ang tanong ay kung gusto raw ba siya ni Angel.

So far, nakaka-two kissing scenes na sila ni Angel. Biro ni Binoe, napakalambot at napakasarap daw ng labi ng kanyang leading lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nga lang, bata lang talaga ang tingin niya kay Angel dahil minsan daw, sa Benguet taping nila last week, nakikipaglaro pa raw ang young actress ng patintero kay Marky Cielo, another co-star. Kulang na nga lang daw ay mag-piko ang dalawa. Baka kapag sumali raw si Robin, masabihang "lolo" na ay naglalaro pa.

Hindi ganun kalayo ang edad ng dalawa, mid-30s na si Binoe at early 20s naman si Angel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN