Kim Chiu not yet ready to accept suitors--even Gerald


Kim Chiu says that her priority now is her obligation to her family and this is the reason why she is not yet ready to accept suitors, including screen partner Gerald Anderson.



Hindi pa raw talaga nagpapaligaw ang young star na si Kim Chiu sa kanyang ka-loveteam na si Gerald Anderson.

One of the freshest faces in showbiz, the Pinoy Big Brother Teen Edition winner is also becoming one of the busiest product endorsers. May bagong TV commercial na naman si Kim, this time sans partner Gerald. This is for a feminine wash, ang bagong line ng pH Care na Pure ‘N Fresh Feminine Wash.

Ayon sa mga pH Care executives, iba raw ito sa ini-endorse ng mga-inang Sharon Cuneta and KC Concepcion dahil Pure `N Fresh is specially designed for teenagers like Kim, so siya ang pinakaunang endorser ng product at wala siyang pinalitan.

Sa press conference ng phCare na ginawa sa ABS-CBN compound kanina, February 12, Kim stressed na working partner pa lang sila ni Gerald and no relationship whatsoever, kahit MU (mutual understanding) daw. Hindi pa raw siya pwedeng ligawan, ayon na rin sa kanyang ama.

On Kim's part, ayaw niya pa rin naman daw niyang magpaligaw dahil alam niya ang obligasyon niya sa kanyang pamilya. The fourth of five siblings, sila ng ama niya ang nagtutulong magpa-aral sa apat niya pang kapatid.

Sabi nga ni Kim, a career is fleeting but boys will always be there.

Hindi rin daw totoo ang mga balitang sweet sila ni Gerald sa taping ng kanilang primetime soap sa ABS-CBN na Sana'y Maulit Muli. Kung may nakikita man ang ibang tao na kakaibang closeness, siguro raw ay yung mga pagkakataon na nagkukulitan sila.

Minsan daw kasi, kapag nagtu-throw lines sila prior to the taping, iniiba ni Gerald ang mga lines. Makukurot ni Kim si Gerald at gaganti naman ang young actor sa pamamagitan ng pagkiliti sa kanya. Hanggang doon lang daw sila, so never daw nangyari yung balitang kumakandong siya sa lap ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

It was said na si Erich Gonzales, ang kanilang co-star sa nasabing primetime soap ng ABS-CBN, ang nagbuko ng kanilang "kandungan incident." Wala raw naalalang ganung eksena si Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN