Lani Misalucha returns to the Philippines for a major concert


Asia's Nightingale Lani Misalucha will hold a major concert at the Araneta Coliseum on March 17.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Deo Endrinal, vice-president for variety and talk shows ng ABS-CBN kagabi—February 11— sa birthday salo-salo ni Kris Aquino, who will be turning 36 on February 14. Hiningan namin ng pahayag si Deo tungkol sa balitang paglipat ng Asia's Nightingale na si Lani Misalucha from SOP to ASAP '07 pagbalik nito sa Pilipinas.

Kinumpirma ni Deo na lalabas nga si Lani sa ASAP '07 for two months starting February 17. Ito ay dahil may tie-up ang Kapamilya Network sa gagawing concert ng singer sa Araneta Coliseum, ang Lani Misalucha Missing You Live Concert, on March 17.

"We have a tie-up with the producer of the concert. So naturally, mag-partner kami doon sa concert kaya kailangan nasa ABS-CBN si Lani para ma-promote ang concert," paliwanag ni Deo.



Dagdag pa ng TV executive, noong isang taon pa raw naka-plano ang nasabing concert kaya mali ang balitang sinulot ng Dos si Lani mula sa Siete. Bago nagpunta ng Las Vegas si Lani ay isa siya sa main hosts ng SOP sa GMA-7.

"We are partners for the concert and after the concert, babalik na si Lani sa Las Vegas. More than one month siyang nandito at hindi lang siya mapapanood sa ASAP kundi pati sa ibang shows ng ABS-CBN," pagbabalita ni Deo.



Sa ngayon ay pansamantala raw nagpapahinga ang Asia's Nightingale mula sa kanyang series of shows sa Flamingo Hotel sa Las Vegas. Nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Lani on February 17.



The next day, February 18, ay lalabas agad siya sa ASAP '07. Pagkatapos noon ay tutuloy naman siya sa SM Megamall para mag-promote ng kanyang self-titled album mula sa Universal Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN