Mark denies rumor that Jennylyn still visits him at his condo


"I'm happy for Jen," says Mark Herras about his ex-girlfriend Jennylyn Mercado, who has found new love in Patrick Garcia.



Pagkatapaos maresolba ang isyu sa pagitan ni Mark Herras at ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado at ang bagong boyfriend ng dalaga na si Patrick Garcia, may panibagong intriga na namang lumalabas. Diumano ay madalas pa rin daw dumalaw si Jennylyn sa bahay ni Mark, kahit pa nga inamin na ng young actress na sila na ni Patrick.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark nang minsang mag-guest siya sa noontime show na Eat Bulaga! at hiningan namin ng reaksiyon kaugnay ng nasabing balita.



"Di totoong nagpupunta sa bahay namin si Jen. Sa dami ng ginagawa nung tao, wala siyang oras para pumunta sa amin. Ni hindi na nga kami nagte-text pagkatapos nung isyu sa amin ni Patrick," mariing pagtanggi ni Mark.



"Magkaibigan pa rin naman kami [ni Jennylyn] hanggang ngayon but because of that incident, I stopped texting her na rin. Iwas-gulo na rin saka respect na rin sa dalawa," ani pa ni Mark, na ang tinutukoy ay ang pagti-text niya kay Jennylyn na nakarating naman kay Patrick.

Idinipensa rin ni Mark ang ex-girlfriend sa ipinupukol ditong mga paratang na feeling maganda raw si Jennylyn. Gustung-gusto raw ni Jennylyn na pinag-aaway ang kanyang ex at present, gaya raw nang ginawa nito na pagsusumbong kay Patrick ng text messages sa kanya ni Mark.

"Di naman siguro," sabi ni Mark. "Talagang nagkaroon lang ng misunderstanding. Siyempre, iba ang reaction ng tao sa mga ganung klase ng issues. Hindi naman nila maiintindihan yung totoong nangyari."



Dagdag pa niya, "Nagkaroon lang ng di pagkakaintindihan kasi parang mayroong sinabi si Patrick na di yun ang tinutukoy niya, pero iba ang dating sa akin. Akala ko may hamunan ng nangyayari, pero wala."

Binigyang-linaw rin ni Mark ang haka-haka ng iba na kaya ganito ang reaksyon niya ay dahil mahal pa rin niya si Jennylyn at di pa rin siya nakaka-move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala na sa akin yun, two years na kaming wala ni Jen. Maraming nagsasabi na baka naaapektuhan pa ako, na bitter pa ako sa nangyayari. Pero ilang taon na kaming wala, naka-move on na ako. Kahit naman si Jen, ganun din," paliwanag ni Mark.



"Sa ngayon, I'm happy for Jen. Yun naman ang gusto ko sa kanya, yung makita kong masaya siya at walang magiging problema sa akin," sabi pa ng young actor.

Marami ang nakakapansin na mukhang unti-unti nang binubuwag ng GMA-7 ang loveteam nina Mark at Jennylyn. Bihira na kasing magtambal ang dalawa sa mga shows sa Kapuso Network. Gaya ngayon na si Mark ay nasa Princess-Charming samantalang nasa Super Twins naman si Jennylyn.



"Sa akin, okay lang naman yun. Two years na kaming magka-loveteam ni Jen. Siguro ngayon, parang pahinga muna or di ko alam. Siguro sa mga nangyari sa aming mga problema, mas maganda ngayon na hiwalay na muna kami sa trabaho," opinyon pa ni Mark.

Sa nalalapit na Valentine's day ay wala raw date si Mark dahil magtatrabaho siya sa araw na yun. May shooting ang young actor para sa isang indie film.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN