Lucy Torres-Gomez defends husband Richard against detractors


"It's really ignorant to people to think that tatakbo siya dahilpopular siya. Ang basehan niya talaga sa pagtakbo ay gusto niyangmagsilbi dahil alam niyang may magagawa siyang mabuti," says Lucy Torres-Gomez about Richard's running for senator.



Dumalo sa VIP screening ng The Promise ang mag-asawang sina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez noong Biyernes, February 9, sa The Podium. Pagkatapos ng screening ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lucy at tinanong namin kung handa na siyang maging politician's wife kung saka-sakaling palaring manalo si Richard, na pormal nang nagsumite ng kanyang kandidatura bilang senador sa Comelec kahapon, February 12.



"Well, you know, when I married Richard, I was not also ready for the life in showbiz, the same way that I'm not ready for the politics. I guess, it's something that I have to deal on a daily basis. Kung ano yung darating, then, haharapin," panimulang pahayag ni Lucy.



"Hindi ko naisip noon na darating ang panahon na magpo-politics si Richard, in the same way na ang magiging asawa ko pala, artista. Wala naman ‘yon sa plano ko, but sometimes kasi hindi nangyayari yung plano mo sa buhay mo e. Para lang tayong utusan na kung saan tayo inilalagay ng Diyos, susunod lang tayo," sabi pa niya.

Matatandaang bago pinakasalan ni Lucy si Goma ay isa lamang siyang simpleng probinsiyana mula sa Ormoc City, Leyte. Ngunit dahil sa angking kagandahan ni Lucy ay nabighani ang tinaguriang Adonis ng Philippine entertainment pagkatapos nilang magkasama sa isang shampoo commercial.



Ano ang naging unang reaksyon ni Lucy nang malaman niyang tatakbo nga ang kanyang mister?



"Hindi na kasi bago e. Kasi noong 2001 ay tumakbo sila, nanalo pero hindi pinaupo. So ang pagsabak niya sa pulitika is not something new. Parang I already have time to craft the seat," banggit ni Lucy. Ang tinutukoy ni Lucy ay ang party list na MAD kung saan isa sana si Richard sa magiging representative nito sa Kongreso. Pagkatapos nitong makakuha ng sapat na boto, hindi pinaupo si Richard at ang kanyang mga kasamahan dahil hindi kinilala ng Supreme Court ang MAD bilang lehitimong party list.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He loves his work and he loves the people in showbiz," patuloy niya. "Showbiz has been good to him but he has also his desire to serve. He is following what's in his heart and if only for that, I know he'll be okay. And I continue to pray, I pray harder than I ever has."



Up to now, marami pa rin ang nagkukuwestiyon sa mga artistang gustong mag-pulitiko. Anong reaksyon ni Lucy rito?



"It's not fair because hindi mo naman pwede lahatin e," sagot niya. "You cannot make a sweeping statement na ‘pag artista ka, hanggang ganito ka lang. His [Richard] being a celebrity has nothing to do with his desire to run. Coincidental lang na 'yon ang trabaho niya. Why fight him for that? It's a decent job, it's an honest job, and pinaghirapan naman niya ito ng sariling pawis.



"It's really ignorant for people to think that tatakbo siya dahil popular siya. Ang basehan niya talaga sa pagtakbo ay gusto niyang magsilbi dahil alam niyang may magagawa siyang mabuti," giit niya.



"His advocacy really is youth and sports. Para sa mga hindi nag-i-sports katulad ko, I never realized the importance of sports until I married a sports man. Kasi kapag nasa sports ka, instant discipline e. Hindi ka magda-drugs, healthy living. Parang everything will follow... Gusto talaga niyang alagaan ay yung formation of our youth dahil alam mo naman, ang youth ang ating kinabukasan," sabi pa ni Lucy.

Kumusta naman ang matagal na nilang plano ni Richard na sundan si Juliana?



Sabi ni Lucy, "Plano namin talaga kaya lang 'di pa nangyayari. Lahat na ng dapat gawin ay ginawa na namin, pero di pa talaga nasusundan e. That's what I mean, we can only plan and plan, do this and do that but at the end of the day, ang masususnod pa din ang kagustuhan ng Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ganoon din yung pagsabak niya [Richard] sa pulitika. Parang kahit sabihin ko man na ayoko, kung doon talaga siya inilagay ng Diyos, dun siya mapupunta. Sino ba naman ako na magsabing huwag? So I'm just open and I keep on praying. Basta ang feeling ko kapag nagdadasal ako, ‘pag ipinasa-Diyos ko na lang, it'll just all fall in its proper place," pagtatapos na ni Lucy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN