Bebong and Jolina still waiting for sign before getting married


Bebong Muñoz says that he wants to marry girlfriend Jolina Magdangal this year, but he adds that they are still waiting for a sign before taking the plunge.



Mag-isang dumating ang boyfriend ni Jolina Magdangal na si Bebong Muñoz sa VIP screening ng The Promise last Friday, February 9, sa Podium. Ayon kay Bebong, may importante raw kasing pinuntahan that night si Jolina.

Pagkatapos ng screening ay nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bebong. Sinabi ng binata na kaya siya umuwi sa Pilipinas pagkatapos ng mahabang pamamalagi sa Amerika ay upang sumabak sa politika at upang pagtuunan ng pansin ang kanilang relasyon ni Jolina.

"Yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako umuwi kasi matagal na masyado ang five years kaming nagkahiwalay. Kaya nga ito, nang pinanood natin yung movie kanina, para sa akin itong The Promise is about fighting the one you love kapag nakita mo na. So kanina, naisip ko, tamang-tama yung desicion ko dahil ipinaglaban ko 'yong gusto ko talaga," sabi ni Bebong.

Totoo bang magpapakasal na sila ni Jolina this year?



"Kung ako ang masusunod sana ngayong taon. Pero naghihintay pa kami ng konting sign para matuloy," sagot ni Bebong.


Hindi kaya ang sign na hinahanap nila ay ang magiging resulta ng pagtakbo niya bilang Congressman sa second district ng Caloocan City? Win or lose ba ay magpapakasal sila ni Jolina?

"Siyempre naman," mabilis niyang tugon. "Saka win or win, kasi kahit anong mangyari, magkasama kami."

Samantala, nalaman namin kay Bebong na may cameo role pala siya sa pelikulang ginagawa nina Jolina at Judy Ann Santos, ang Ouija Board.



"Kahapon kasama ako sa isang eksena ng movie nina Judy Ann at Jolina. Ang nag-invite sa akin ay si Anette, classmate ko siya sa Law School at saka professor ko siya. Pagbalik ko sa Harvard, nagturo ulit siya doon kaya kami naging magkaibigan," kuwento pa ni Bebong, na ang tinutukoy ay si Anette Gozon-Abrogar, ang big boss ng GMA Films, na siyang producer ng pelikula nina Jolens at Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag pa ni Bebong, "Noong ginagawa ko [yung eksena], parang napakahaba dahil kabadong-kabado ako kay Judy Ann. Siya kasi yung kasama ko, hindi si Jolina. Tapos sabi ni Jolina sa kanya, ‘Aalalayan mo naman si Bebong.'

"So kapag nagkakatinginan kami ng mata ni Judy Ann, nagkakatawanan kami. So hindi niya ako tinitingan, kunwari galit siya sa akin," natatawa pa niyang kuwento.



Isang dahilan daw kung bakit napapayag si Bebong na lumabas sa pelikula nina Jolina at Judy Ann ay dahil ipalalabas ito pagkatapos ng eleksyon. Bawal kasi sa mga kandidato na lumabas sa TV show o movie habang nangangampanya.



Natawa si Bebong nang tanungin naming kung libre lang ba ang camero role niya sa Ouija Board.

"No, it's for Anette and Jolina at saka kay Juday kasi mga kaibigan na namin 'yan," pahabol niya.

Ano naman ang role niya sa pelikula?



"Mahirap, kailangan kong mag-imagine talaga na lawyer ako doon!" biro ni Bebong na sa totoong buhay ay isa ring abogado. "Hindi, ang kinuha talaga ni Anette ay mga lawyers na kaklase ko din sa law school kaya nagkakakilala din kami doon sa film."

Bago nagpunta sa New York si Bebong para sa Master's degree niya sa Public Administration sa Columbia University ay kumuha muna ang binata ng Law sa University of the Philippines at B.S. Economics sa Ateneo.

Nakapagtrabaho na rin siya noon sa gobyerno bilang Presidential Assistant on Youth Affairs ni dating Pangulong Erap Estrada.

Si Bebong ang nakatatandang kapatid ng yumaong singer na si Tenten Muñoz, nagpasikat sa kantang "Kaba," na ginampanan ni Jolina sa isang episode ng Magpakailanman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN