Bong Alvarez finally breaks his silence


Former basketball player Bong Alvarez explains his side about the incident that happened at the Embassy Bar, involving model Ornusa Cadness and her boyfriend Borgy Manotoc.



Sa wakas ay nagbigay na rin ng kanyang pahayag ang former basketball player na si Bong Alvarez kaugnay ng mga pangyayari sa Embassy Bar noong January 31, kung saan napagkamalan niya diumanong waitress si Ornusa Cadness, ang girlfriend ng model-TV host na si Borgy Manotoc. Dahil dito, halos magpang-abot sina Borgy at Bong.

Kwento ni Bong sa S-Files, "Actually, di naman ganun talaga, di naman napagkamalan talaga. Kasi nakatalikod ako, tapos paglingon ko, kasi oorder ako ng drink namin ni Andrew [Wolfe], sabi ko ‘Miss.' Ginanun ko lang, ‘Miss.'

"Pagtingin ko sa kanya, sabi ko agad, ‘Ay, sori!' Hindi ko siya inutusan, tinawag ko lang. Yun na, nagalit. ‘Why are you calling me? Do I look like a waitress?' Nagalit na sa 'kin. Nag-sorry ako nang nag-sorry sa kanya. Wala e, ayaw tanggapin.

"Lumapit din ako kay Borgy para mag-sorry nga dun sa nangyari. Nung una, okay naman, parang walang nangyari. Pero after two hours, yun na, biglang nagwala si Borgy. Galit na galit, hindi ko alam kung bakit," patuloy pa ng tinaguriang Mr. Excitement ng Philippine Basketball Association (PBA).

Mariin ding itinanggi ni Bong na ka-date niya noong gabing ‘yon si Bing Loyzaga, asawa ng singer-comedienne na si Janno Gibbs.

"Yun nga, nakakatawa. Kasi actually, mag-isa lang ako nun. Tapos may kausap lang ako. Tapos pumunta ako dun, nakita ko sila sa isang table... Mga kaibigan natin, so umupo ako sa kanila."

Hindi na rin pinalampas ng S-Files host na si Richard Gomez na tanungin si Bong tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ng asawa niyang si Almira Muhlach.

"Okay naman," sabi ni Bong. "Talagang hindi lang mawawala yung away paminsan-minsan. ‘Pag may tampuhan, umiiwas na lang ako. Alam ko naman naniniwala sa ‘kin ang misis ko. Relax lang. Konting tiyaga at saka mabait si Almira, wala akong masabi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A week before Bong's guesting sa S-Files ay nagsalita rin si Alma in defense of Bong. Aminado rin si Almira na hindi perpekto ang kanilang relasyon ni Bong bagama't nananatili silang magkasama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN