Confirmed: Ara Mina and Polo Ravales have broken up!


Ara Mina and Polo Ravales, after weeks of cooling off, have decided to finally split up.



Due to lack of time, tuluyan na ring naghiwalay the second time around sina Ara Mina at Polo Ravales.

Tila late na to save whatever could be salvaged sa more than one year relationship nina Ara at Polo dahil last Friday, February 9, after another clash, the two mutually decided to part ways.

Ayaw pang pag-usapan nina Ara at Polo ang kanilang latest split-up. Wala namang third party concerned sa paghihiwalay nila gaya last year. Although that time, nagkaayos pa sila for them to continue the relationship until this month—ironically, the month of hearts and Valentine's day.

Aminado naman si Ara na siya ang may problema about time management for her boyfriend. Naging stressful kay Ara ang mga nagdaang araw in preparation for her concert sa Araneta Coliseum last February 3, kung saan nag-special guest pa rin si Polo.

Before the actual concert, nagkaayos na actually ang dalawa for Polo to go on with his participation sa concert. Nagplano silang mag-usap kinabukasan ng concert ngunit dahil na rin sa kapaguran ni Ara, hindi ito natuloy at nagkita muli sila Friday (Feb. 9). Nagtuloy-tuloy na nga ang di pagkakaunawaan ng dalawa hanggang sa mauwi sa hiwalayan.

Mutual decision ang split-up although it was Polo who asked for it kaya mas masakit ito for Ara. The last time, it was Ara who split up with Polo.

Sa interview ni Ara sa Startalk noong Sabado, February 10, ay hindi direktang sinabi ni Ara na nag-break na silang tuluyan ni Polo. Ang sabi lang ng sexy actress ay humingi ng "breathing space" sa kanilang relasyon si Polo.

Nakatakdang magkatrabaho ang dalawa for the first time sa Lupin na pagbibidahan ni Richard Gutierrez. Malamang sa hindi, sila pa rin ang ipapares sa isa't isa. So magkikita at magkikita pa rin sila kahit ano ang mangyari.

Friends are hoping na maging daan ang Lupin para magkaayos pa rin sila dahil halata namang mahal pa rin nila ang isa't isa, kulang lang sila sa oras to show it to each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN