Nancy Castiglione denies rumor linking her to Paolo Paraiso


Nancy Castiglione says that Paolo Paraiso is like a big brother to her, being the brother of her best friend Bubbles Paraiso.



Sabay na nag-guest sina Nancy Castiglione at ang younger sister ni Paolo Paraiso na si Bubbles Paraiso sa taping ng Homeboy kahapon, February 13. Matalik na magkaibigan ang dalawang dalaga na tamang-tama naman sa topic ng show ni Boy Abunda that day about best friends.

After ng taping ay nilapitan agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Nancy at Bubbles. Tinanong namin si Nancy tungkol sa balitang namataan silang nagde-date ni Paolo sa Cuisine sa The Fort, Makati. Actually, noon pa raw isang buwan ito nangyari ngunit ngayon lang lumabas sa mga tabloids.

Nagtawanan sina Nancy at Bubbles pagkarinig ng aming tanong. "Pwede ako na ang sumagot niyan?" pagbu-volunteer ni Bubbles.

"Ako yung kasama nila noon e. Kasama ko siya [Nancy] and then yung kuya ko, gusto ring umalis. So nag-text siya sa akin na parang ‘Bub, sunduin mo ako.' Sinundo ko ang kuya ko, kaming tatlo ang magkakasama," kuwento ng nakababatang kapatid ni Paolo.

Dagdag naman ni Nancy, "And we fetched Paolo from Mylene's [Dizon] place." Si Mylene ang dating live-in partner at ina ng anak ni Paolo.

Sinabi pa ni Nancy na malabong maging sila ni Paolo. Bukod sa parang "baby sister" lang ang turing sa kanya ng sexy actor ay masayang-masaya ngayon si Nancy sa relasyon niya sa model-actor na si Brad Turvey.

"We are going on ten months na. Yehey!" masaya pang sabi ni Nancy.

"Kayanga nagulat din kami kung bakit nagkaroon sila ng issue with my brotherkasi alam ko naman na sila ni Brad," dagdag pa ni Bubbles.



Kasabay rin palang nag-guest nina Nancy at Bubbles sa Homeboy si Luis Manzano, na ex-boyfriend naman ni Nancy. Kinumusta namin sa young actress ang relasyon nila ngayon ni Luis.



"Wala. Mahal ko si Luis pero ano 'yun e... Ever since naman [we broke up] we became friends, never kaming naging ano, galit sa isa't isa. Hindi na kami magkakabalikan ngayon kasi we were babies when we're boyfriend and girlfriend. Bale matagal na 'yon e," paliwanag ni Nancy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang plano nina Nancy at Brad ngayong Valentine's day?



"We have work pero at the same time, my surprise siya for me. Pero hindi ko alam kung ano 'yon," nakangiting sabi ni Nancy bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN