Zanjoe shrugs off rumor that he is the "culprit" in Bianca and Lino split-up


Model-turned-actor Zanjoe Marudo says he doesn't want to get into a relationship right now because he wants to focus on his career.



Kung gugustuhin lang ng model-turned-actor na si Zanjoe Marudo na magkapangalan, nakisakay na lang sana siya sa mga isyu tungkol sa mga babaeng na-link sa kanya mula nang sumali siya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition.



Pero naniniwala si Zanjoe na hindi na niya kailangan pang gawin yun. Sapat na ang tutok at atensiyon ng home studio niyang ABS-CBN sa kanya para makatiyak na makaka-survive ang career niya.

Hayan nga at hindi naman siya nawawalan ng shows. Pagkatapos mawala sa ere ng Super Inggo, nariyan pa rin ang Aalog-alog. Maganda pa rin ang exposure niya as part of the all-male group called Coverboys na humahataw every Sunday sa ASAP '07.



Si Zanjoe ang itinuturong tunay na culprit sa pagkakabuwag ng relasyon nina Direk Lino Cayetano at Bianca Gonzales, na housemate dati ni Zanjoe sa PBB. Nananatiling inosente ang stance ni Zanjoe rito dahil sa pagkakaalam niya, bago pa siya masangkot sa isyu ay may matindi na talagang problema sina Lino at Bianca.



May lumabas na balita na lalo pang nag-trigger ng gulo ang panonood ni Direk Lino ng footages ng PBB noon involving Zanjoe and Bianca, na tuluyang nagpa-realize sa TV director na makipag-split na sa girlfriend.



Maski ipinaalam ang balitang ito kay Zanjoe ay deadma lang siya. Super-deny rin siya sa pagli-link sa kanya kina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, na leading lady niya sa nalalapit na pelikulang You Got Me ng Star Cinema.



Ayon pa kay Zanjoe, nakatutok talaga siya sa career niya ngayon. Wala rin daw kapupuntahan ang pagpasok niya sa anumang relasyon sa ngayon dahil nasa top priority niya ang pag-aartista, na inamin niyang mas nagugustuhan na niya at mas challenging na sa kanya kaysa modelling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN