Cesar Montano now relegated to supporting roles?


Cesar Montano says that his first project with GMA-7 is just the beginning of bigger things to come for his TV career.



Marami ang nagtatanong kung bakit pumayag si Cesar Montano na maging supporting na lang ni Richard Gutierrez sa Lupin.

Gaganap bilang Maestro si Buboy sa nabanggit na bagong action-adventure series ng GMA-7. Siya ang magsasanay sa character na gagampanan ni Richard sa iba't ibang paraan ng pakikidigma.



Marami ang nagpaparating ng kanilang apprehension dahil magiging precedent daw ito ng mas marami pang supporting roles kay Buboy, since he started accepting such roles.



Ayon naman kay Sunshine Cruz, misis ni Cesar, hindi raw nila natanggihan ang malaking talent fee na ibabayad sa aktor para lumabas sa Lupin. Kaso nga, malaki man ang makukuhang pera ni Buboy sa desisyon niyang ito, maaaring mangahulugan ito ng decline of offers para makapagbida pa sa pelikula at TV ang multi-awarded actor and director.



Parang hindi naman nababahala ang mag-asawa sa ganito. Ayon kay Cesar, umpisa lang daw ito ng pupuwedeng magandang samahan nila ng GMA-7.

Pero ang tanong ng marami ay bakit si Robin Padilla—na nag-flop din ang La Visa Loca noon at nakabawi lang sa pelikula nang tumambal kay Regine Velasquez sa Till I Met You—ay nabigyan ng magandang offer sa pakikipag-team up kay Angel Locsin sa Asian Treasures, samantalang si Cesar ay ginawang supporting kay Richad? Kung tutuusin naman daw ay halos pareho lang ang estado nina Binoe at Buboy kung kaya't nararapat lang na bigyan ng pantay na pagpapahalaga ang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN