Luis Manzano says he has already met the "right person" for him


Luis Manzano is being convinced to enter politics, like her mom Vilma Santos, dad Edu Manzano, and stepdad Ralph Recto, but the young TV host-actor says he is not yet ready.



Nang mag-file ng candidacy si Senator Ralph Recto for his re-election last Monday, February 12, sa Comelec ay kasama niya ang kanyang mag-inang sina Vilma Santos at Ryan Christian, pati na ang kanyang stepson na si Luis Manzano.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis nang mag-guest siya sa taping ng Homeboy kinabukasan, February 13, ay inusisa namin siya kung may hilig din ba siya sa pagpupulitika gaya ng kanyang mga magulang at ng kanyang stepfather.

Alam naman ng lahat na naka-tatlong termino bilang mayor ng Lipa City si Ate Vi, na hinihinalang tatakbo ngayong eleksiyon bilang governor ng Batangas. Ang ama naman ni Luis na si Edu Manzano, na kasalukuyang chairman ng Optical Media Board (OMB), ay tumakbo na rin noong 1998 elections bilang vice mayor ng Makati ngunit natalo. Ang kanya namang stepfather na si Ralph Recto, na galing sa angkan ng mga pulitiko, ay tatakbong muli bilang senador. Kumbaga, bukod sa pag-aartista ay parte na ng buhay ni Luis ang pulitika.

"Kahit noong bata pa ako ay naisipan ko ring pumasok sa pulitika. Pero not now, not now," sagot ni Luis.

Hindi ba nakakadagdag ng pressure on his part na maraming mga tao ang kumukumbinsi sa kanya na sundan ang yapak ng kanyang mga magulang, pati na ang kanyang ama-amahan?



"I think mali kung gamitin kong pandagdag sa akin," paglilinaw ni Luis. "I think if I'm ready, mag-isa na lang magbi-build up 'yon. Kesa gumamit pa ako ng maraming external factors na hindi ako magiging sincere sa gusto kong gawin."



Dagdag pa niya, "Wala pa talaga. But kung mayroon man, you would know dahil kailangan kong mangampanya. Kung mangyari 'yon or something, sa local muna ako tatakbo. Of course, I have to test the waters first. I really do not know, pero kung ano man yung alam kong magagawa kong serbisyo sa mga tao ay doon muna ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEXT MAYOR OF LIPA? Ang balita ay gustong-gusto ng mga taga-Lipa na ipagpatuloy ni Luis ang magandang ginawa ng kanyang ina sa siyam na taong panunungkulan nito bilang mayor. Ano ang reaksiyon ni Luis dito?



"Kung gusto nila... Pero, of course, alangan naman na sumunod ako tapos di ko naman magagawa nang tama ang trabaho ko? Napakagandang legacy ang ginawa ng Mommy ko [sa Lipa]. So, ang gusto ko, kung tumapak ako doon sa City Hall, gusto kong gawin kung ano man ang nagawa ni Mommy sa Lipa," pahayag pa ni Luis.

Gaya rin ba ng kanyang ina ay kailangan muna niya ng sign sa pagdedesisyon niya kung sasabak siya sa pulitika o hindi?



"Anything we like, we always ask for signs," sabi ni Luis. "It's God's thing kasi sometimes we're caught up with many things. Di ba, napaka-fast paced ang buhay na we tend to forget? So minsan, kailangan ang sampal 'ika nga o konting tapik mula sa Diyos na, ‘Hoy anak, kailangan mong gawin ito! Hoy anak, ito ang inihanda ko sa 'yo!"



LOVELIFE. Maliban sa pulitika ay napag-usapan din namin ang tungkol sa lovelife ni Luis, lalo na't Valentine's day ngayong araw na ‘to.



Ayon sa 25-anyos na TV host-actor ay hesitant pa siyang magkaroon ng girlfriend ulit after his relationship with Nancy Castiglione ended years ago.

"Hindi ako takot sa commitment mismo, takot lang ako committing to the wrong person. So I'm just waiting for the right person," sabi ni Luis.



"For me, I've met her na, pero siguro it's either hindi ako yung tama para sa kanya sa mata ng Diyos. Or siguro it's only a matter of time or a lot of issues coming to play," nakakaintrigang pahabol niya.

Hindi kaya ang matagal nang nali-link sa kanyang si Toni ang tinutukoy niyang babae na "right person" for him? Marami kasi ang nagsasabi na doon na papunta ang magadang samahan nila ni Toni ngayon, lalo pa't balitang boto ang mga magulang ng dalaga kay Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Huwag tayong maniwala sa lahat ng nababasa natin o kahit sa naririnig natin. Ayokong i-assume na kung anong mayroon kami ni Toni, that would lead into a relationship. No, ang kapal ko naman na sabihin 'yan o i-assume 'yan!" paliwanag ni Luis.

Samantala, inusisa rin namin si Luis tungkol sa lumabas na balita na nakita raw silang magkasama ng Pinoy Dream Academy (PDA) finalist na si Irish Fullerton sa isang bar sa Cebu. Ayon pa nga sa balita ay talagang sinundan ni Luis si Irish sa Cebu nang minsan mag-show roon ang dalaga kasama ang iba pang PDA scholars.

Una nang nag-deny si Irish tungkol dito sa panayam sa kanya ng PEP. Gaya ni Irish ay mariin din itong pinabulaanan ni Luis. Ayon sa binata, mas nauna siyang pumunta sa Cebu at nagulat nga siya nang malamang may show pala roon ang PDA scholars.

Dahil kilala naman ni Luis ang mga PDA scholars ay niyayaya niya ang mga ito na gumimik sa isang bar, kung saan nga namataan ang TV host-actor at si Irish na nag-uusap.

Sinabi pa ni Luis na hindi totoong nanliligaw siya kay Irish at wala raw siyang balak ligawan ang ex-PDA scholar.



Umiiwas lang kaya si Luis sa issue para hindi siya ma-bad shot kay Toni at sa pamilya ng TV host-actress-singer?



"Ah, hindi 'yon. It's more of... Sa akin, I think she [Irish] is a cool lady. Kitang-kita naman na ang daming humahanga sa kanya. It's so happened na wala yung hinahanap ko na spark for something romantic," sabi ni Luis.

"Pero I have nothing against her bilang tao, bilang artist, bilang performer. Pero yung something romantic ay hindi ko mahanap yung spark.



"I'm not denying, I'm only telling the truth. Kung 'yon naman talaga, bakit pa ako magpapa-ikot? So there's no denial, I'm only speaking the truth," diin pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN