Alfred Vargas will invite LJ Reyes to a simple Valentine dinner


"Yung cool-off namin, I believe that it's working for us. Mas relaxed kasi kaming dalawa," says Alfred Vargas about his current relationship with girlfriend LJ Reyes.



Naka-text ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang sexy actor na si Alfred Vargas ngayong mismong Araw ng mga Puso.



Ayon kay Alfred, wala pa raw siyang anumang pinaplanong gawin ngayong Valentine's day. May trabaho raw kasi siya ngayong araw. Pero kung maaga raw siyang matatapos, malamang daw na imbitahan niya ang pinaka-espesyal pa ring babae sa puso niya na si LJ Reyes.

Kung si LJ ang magiging ka-date niya, nangangahulugan bang tapos na ang kanilang "cool-off stage"?



"Cool-off pa rin kami," paglilinaw ni Alfred. "Actually, no final plans yet. Pareho kasi kaming may work. Pero kung maagang matatapos, malamang na baka simple dinner na lang."

Kung titignan daw, tila wala naman talagang major problem ang dalawa sa kanilang relationship. Pero pareho silang aminado na ang nagiging problema nila ay ang kawalan ng oras sa isa't isa.



Naniniwala si Alfred na mas nagwo-work sa kanila ni LJ ang ganitong set-up, na cool-off sila at walang commitment na iniintindi. Ito raw siguro ang dahilan kung kaya't hindi nila napag-uusapan na ibalik sa dati ang kung anuman meron sila ngayon.



"Yung cool-off namin, I believe that it's working for us. Mas relaxed kasi kaming dalawa. At the same time, pareho naman kaming okay at nagkakasundo," sabi pa ni Alfred sa kanyang text message.



Wala rin naman daw halos nabago sa kanilang dalawa ni LJ. Nandiyan pa rin daw silang pareho kung saka-sakaling kailanganin nila ang isa't isa. Yun nga lang daw, nawala yung pressure sa pagitan nila.



Samantala, busy si Alfred sa pagte-taping ng Magic Kamison at Muli. Si LJ naman ay busy pa rin sa kanyang pag-aaral at sa nalalapit na pagtatapos ng Makita Kang Muli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN