Tanya Garcia admits her time has already passed


Tanya Garcia says that her attitude problem before caused her career to take a dive.



Wala si Tanya Garcia nang i-launch ang bagong drama-adventure series ng GMA-7 na Super Twins dahil nagkasakit daw siya. Sa kabila nito ay natutuwa si Tanya dahil muli na naman siyang nakabalik sa paggawa ng primetime show sa Kapuso Network kahit kontrabida na ang role niya. Ginagampanan ni Tanya sa Super Twins ang papel ng madrasta nina Shasha at Tintin, played by child stars Nicole Dulalia and Ella Cruz, respectively.



Kung matatandaan, isa si Tanya sa mga naunang talents ng ABS-CBN na lumipat sa GMA-7. Una siyang lumabas sa Viva TV-produced soap opera na Anna Karenina. Pagkatapos nito ay bigla siyang ginawang bida sa primetime drama series na Sana Ay Ikaw Na Nga opposite Dingdong Dantes. Two years ding tumakbo ang naturang soap. Sumunod ay nagbida ulit sina Tanya at Dingdong sa Twin Hearts, this time with Rudy Fernandez, Pops Fernandez, at ang bagong lipat pa lang noong si Dennis Trillo.



Aminado si Tanya na naging issue ang kanyang attitude problem noon kaya matagal siyang hindi nabigyan ng project sa Siete. Na-realize ni Tanya na kailangan na niyang pahalagahan ang mga dumarating sa kanyang mga trabaho dahil maraming mga bagong mukha na pumapasok sa showbiz.



"Isip-bata pa ako kasi ako noon and I took things for granted," pag-amin ni Tanya. "Noong mag-mature na ako, doon ko na-realize na sinasayang ko ang maraming opportunities. Kaya ngayon, hindi na ako magiging choosy when it comes to roles sa TV or movies. Naranasan ko naman na ang magbida, siguro yung iba naman ang pagbigyan natin."



Nang bumalik sa TV si Tanya a year ago, nabigyan siya ng magandang role sa Now And Forever Presents Agos, kung saan gumanap siyang anak nina Christopher de Leon at Lani Mercado. Naging part din siya ng QTV 11 drama series na Noel.

Ngayon, bukod sa Super Twins ay nasa QTV 11 sitcom na Ay, Robot! din si Tanya with Ogie Alcasid and Sam Bumatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN