Alicia Mayer says Paolo Paraiso is not courting her


Sexy actress Alicia Mayer denies any romantic involvement with Paolo Paraiso.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Alicia Mayer sa press conference ng Muli kaninang tanghali, February 14, na ginawa sa executive lounge ng GMA-7.

Itinanggi ng sexy actress ang lumabas na balita na may relasyon sila ni Paolo Paraiso, ang ex-boyfriend ni Mylene Dizon. Ayon kay Alicia, hindi nanligaw sa kanya ang sexy actor, nagparamdam lang daw ito sa kanya.



"Tingin ko, okay naman siya. Pero wala kaming romantic involvement. Although nagkakasama kami minsan ‘pag nag-a-unwind after work, kwentuhan lang," sabi ni Alicia.

Nalaman din ng PEP na vegetarian na pala si Alicia since October last year. No meat, no dairy, and no fish ang diet niya and all she takes are organic vegetables and fruits. Member na rin siya ng PETA o People's Ethical Treatment for Animals. Sa February 28 nga raw ay may nude pictorial siya kay Raymund Isaac kaugnay ng pagiging miyembro niya ng PETA.



"Naaawa ako sa animals na kinakatay para lang kainin ng tao, kaya nag-decide ako to go vegetarian. Hindi ako nawawalan ng kakainin kahit marami akong iniiwasang kainin. Ang dami kong naiimbento, like pwedeng kumain ng kare-kare without meat at tofu burger sa halip na cheeseburger. Five months na akong no meat at ‘di ko nami-miss," kuwento pa ni Alicia.



Gusto ni Alicia ang role niya sa Muli dahil hindi niya kailangang mag-ayos at mag-makeup at magsuot ng mga mamahaling damit. Isa siyang factory worker dito na madalas ay naka-pony tail, naka-t-shirt at maong lang, at ni walang accessories sa katawan.

Magsisimula na ang Muli sa February 19 sa GMA-7. Kasama niya rito sina Alfred Vargas, Carrie Lee, Victor Neri, at Marian Rivera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN