Mark Herras denies P1M offer by a rich gay for one-night stand


"Nagtatrabaho naman ako nang matino, hindi ko kailangan ‘yang ganyan," says Mark Herras about indecent proposals.



Halatang iritado si Mark Herras sa kumalat na isyung may isang mayamang bading na nag-offer sa kanya ng isang milyon upang makatalik lamang siya. Ayon sa lumabas na balita, isang negosyanteng may-ari ng isang malaking clothing business ang may pagnanasa sa aktor, na para lamang makapiling nito si Mark ay willing itong magbayad ng isang milyong piso.

Nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa taping ng Princess-Charming, sumenyas ng panununtok ang young actor nang tanungin namin kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nangyari nga ito.

"Narinig ko nga ‘yan, na may nag-offer daw sa akin ng one million. Nabalitaan ko lang, pero wala, wala namang nag-o-offer sa akin," sabi ni Mark.

"Kung may mag-o-offer? 'One million your ass!' ‘Yan ang isasagot ko sa kanya," seryosong sagot ni Mark.

Kung bibigyan daw siya ng isang milyon at may hihinging kapalit na hindi niya kayang ibigay, hindi niya tatanggapin ang pera.

"Pero kung handshake ang kapalit, okay lang. Tatanggapin ko yung isang milyon. Makikipag-kamay lang naman pala! Kung two million ang ibibigay sa akin, dalawang kamay ko ang iaabot ko sa kanya para mag-shake hands kami!" pagbibiro pa ng young actor.

"Pero kung more than that, ibang usapan na yun. Hindi ako pumapatol sa mga ganyang ano na usapan. Nagtatrabaho naman ako nang matino, hindi ko kailangan ‘yang ganyan usapan," aniya pa.

Kumikita naman ng malaki si Mark ngayon, kaya walang rason para pumatol siya sa kung anumang hanky-panky. Balak pa ngang magtayo ni Mark ng isang grill and restaurant business na matagal na niyang pangarap.

"Sana, sana, matupad na," asam pa niya. "Pero siguro tatapusin ko na muna ang pagbabayad ko ng bahay [condo unit] ko. Kapag wala na akong hinuhulugang bahay, magbi-business na ako."

Napapanood regularly si Mark sa Princess-Charming at sa SOP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN