Marjorie Barretto and Nadia Montenegro to run in Caloocan City


Dennis Padilla has confirmed reports that his wife, Marjorie Barretto (left), will run as councilor in the 2nd district of Caloocan City, the post that he will vacate. Another former actress, Nadia Montenegro (right), will run as representative of the same city.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis Padilla kanina, February 15, sa press con ng kanyang bagong show sa RPN-9. Kinumpirma niya ang balita na kakandidato bilang konsehal ng 2nd district ng Caloocan City ang asawang si Marjorie Barretto.



Konsehal si Dennis ng naturang distrito, pero last term na niya kaya hindi na siya maaaring kumandidato muli. Pumasok sa isip ni Dennis na tumakbo bilang vice mayor ng Caloocan, pero hindi niya itutuloy ang plano dahil malaking halaga ng pera ang kanyang kailangang gastusin.



Kung papalarin si Marjorie na manalo, si Dennis ang kanyang magiging consultant. Siyam na taon na konsehal ng Caloocan City si Dennis kaya alam na nito ang mga responsibilidad ng isang city councilor.



Kakandidato si Marjorie sa ilalim ng LAKAS-Christian Muslim Democrat (CMD) party at kapartido niya si Caloocan City Mayor Recom Echeverri.



Kakandidato naman bilang congresswoman ng Caloocan City si Nadia Montenegro na kaibigang matalik ni Gretchen Barretto. Si Nadia ang partner ng dating mayor ng Caloocan City na si Boy Asistio.

Nagsalita noon si Gretchen na tutulong siya sa campaign ni Nadia kaya may mga nagtatanong kung susuportahan ba rin niya ang kandidatura ni Marjorie. Matagal nang hindi nag-uusap ang magkakapatid na Barretto (including Claudine) mula nang magkaroon sila ng misunderstanding.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN