Rayver Cruz has started courting Shaina Magdayao


The long wait is over! Rayver Cruz has finally found the courage to court onscreen partner Shaina Magdayao.



Nagsimula nang manligaw ang young actor na si Rayver Cruz sa ka-loveteam niyang si Shaina Magdayao. Ito ay ayon sa dalawang taong malapit pareho kina Rayver at Shaina.

Nang nag-17 si Shaina last November, pinayagan na siya ng kanyang mga magulang at mga kapatid na magpaligaw. May isang condition lang ang nakababatang kapatid ni Vina Morales: na daanin siya sa pagbisita sa bahay ng mga manliligaw niya dahil ayaw ni Shaina na maligawan sa text at tawag lang.

Gusto kasi ni Shaina na makilatis ang mga suitors niya not just her family, but also German Moreno. Si Kuya Germs ang ama ng asawa (Federico Moreno) ng isa sa mga ate (Shiela Magdayao) ni Shaina. Si Kuya Germs din ang discoverer ni Vina.

Noong actual birthday night ni Shaina, bumisita si Rayver sa bahay nila para personal na ibigay ang birthday gift niya—a dozen of long-stemmed red roses. Kaso, hindi niya inabutan kahit sino sa bahay nina Shaina except their maid. Nag-dinner ang pamilya sa Red Crab sa Tomas Morato.

Ipinapasok na lang ni Rayver ang mga roses sa kuwarto ni Shaina at ibinigay niya rin ang kanyang perfume para ma-spray sa kuwarto. This way, malalaman ni Shaina kung kanino nanggaling ang bulaklak.

November of last year, nagsimula nang mag-taping ang dalawa for the ABS-CBN Saturday teen show Star Magic Presents: Abt Ur Luv co-starring with 17 other young stars of Star Magic. Nag-resume na rin sila ng taping ng Rounin, a multi-cast fantasy soap headed by Diether Ocampo. December, nag-shoot na rin sila for Regal Films ng kanilang first movie together, ang Happy Hearts, co-starring Wendell Ramos, Rustom Padilla, and Jean Garcia.

Since then, wala nang nakabalita kung nakabalik pa si Rayver sa bahay ni Shaina.

On Valentine's day, February 14, we got a confirmed report na bumisita na palang muli si Rayver sa bahay nina Shaina prior to Valentine's week. Nagsisimula na raw manligaw ang binata sa dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aming source, malamang bilhin (o nabili na) ni Rayver ang isang asong matagal nang nire-request ni Shaina na sana ay magkaroon siya, a Yorkshire Terrier. Isang Yorkshire Terrier din ang regalo noon kay Alfred Vargas kay LJ Reyes nang nanliligaw pa lang ang sexy actor sa young actress.

Sa Abt Ur Luv, mag-on na ang mga characters nina Rayver at Shaina na sina Gens and Neri, respectively.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN