Paolo Ballesteros denies checking in at an apartelle with Uma Khouny


Uma Khouny (left) and Paolo Ballesteros were reportedly spotted checking in an apartelle in Makati. Paolo vehemently denied this.



Unang lumabas bilang blind item ang balitang may dalawang male celebrities ang nakitang nag-check in sa isang apartelle sa Makati last week. A few days after ay pinangalanan na ang dalawang male celebrities na ito—sina Paolo Ballesteros at Uma Khouny. Si Paolo ay co-host ng Eat Bulaga! samantalang si Uma naman ay dating housemate ng kauna-unahang Pinoy Big Brother.

Bago pa man lumabas ang balitang ito ay matagal nang usap-usapan ang pagkuwestiyon sa pagkalalaki nina Paolo at Uma. Sa "Forbidden Questions" segment nga ng radio program ni DJ Mo Twister ay makailang ulit nang nabanggit ang mga pangalan ng dalawa nila sa tanong kung sino sa showbiz ang mga "closet gays" o dapat nang umamin na bakla sila.

Sa kabila nito, naninindigan sina Paolo at Uma na sigurado sila sa kanilang pagkalalaki. At dahil na rin siguro sa hindi matigil na isyu ay kadalasang ipinagkikibit-balikat na lang nila ang mga intriga sa kanila.

Sa pamamagitan ng text message ay kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Paolo tungkol sa balitang namataan sila ni Uma na nag-check in sa isang apartelle sa Makati.

Marahil ay hindi nakuntento sa text message ay si Paolo na mismo ang tumawag sa PEP upang pabulaanan ang tungkol sa lumabas na isyu sa kanila ni Uma.

Aminado si Paolo na noon pa sila magkakilala ni Uma. Dahil parehong aspiring models ay madalas daw silang magkita sa mga VTR at go-sees para sa mga commercials.

Eventually raw ay naging magkaibigan sila at nito ngang pareho na silang naging showbiz personalities, mas lalo silang naging magkaibigan at naging badminton buddies pa. Pero lately raw ay hindi sila nagkikita ni Uma, ayon kay Paolo, kaya nagtataka siya kung bakit may ganitong isyu.

Natawa pa nga si Paolo dahil nung madalas silang maglaro ng badminton ni Uma, hindi sila natsitsismis. Ngayong hindi sila nagkakasama dahil pareho silang busy, at saka pa sila naintriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idiniin din ni Paolo na wala silang relasyon ni Uma aside from being friends. Ayon pa kay Paolo, wala raw siyang karelasyon ngayon.

Tungkol naman sa walang sawang pagkuwestiyon sa kanyang gender, tinatawanan na lang ito ni Paolo. Admittedly, noong una raw ay nasasaktan siya dahil baguhan pa lang siya that time. Pero ngayon, mas iniintindi ni Paolo ang magiging epekto sa pamilya niya ng mga tsismis tungkol sa kanya, partikular na sa mother niya.

Kung siya lang daw, kaya niyang harapin at deadmahin ang mga pangunguwestiyon sa kanyang pagkalalaki. Ang ayaw lang niya, yung idadamay pa ang kanyang pamilya.

Regular na napapanood si Paolo sa noontime show na Eat Bulaga! at sa sitcom na Daddy DiDoDu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN