Pauleen not yet ready for a new relationship but entertains suitors


"Kasi ngayon, hindi pa ako handa. Ayoko na munang magkaroon ng relasyon kahit kanino," says Pauleen Luna.



Nakasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen Luna sa GMA-7 complex last Valentine's day, February 14. Kinuha na namin ang pagkakataon upang tanungin siya kung wala na ba talagang chance na magkakabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Marvin Agustin.

Matatandaang sa pagsisimula ng 2007 ay nakipag-break si Pauleen kay Marvin dahil sinunod ng dalaga ang kagustuhan ng kanyang mga magulang. Very open kasi ang parents ni Pauleen na hindi nila gusto si Marvin para sa kanilang anak. As an obedient daughter, isinakripisyo ni Pauleen ang pagmamahal niya kay Marvin alang-alang sa kanyang mga magulang.

Ayon kay Pauleen, sa ngayon daw ay ayaw na muna niyang magkaroon ng relasyon sa kahit na sinong lalaki.

Sinabi rin ni Pauleen sa PEP na hindi siya nagsasara ng pinto at ang lahat ng bagay ay posible sa mundo. Pero kung sakali man daw na magkaroon ng posibilidad na maging sila ulit ni Marvin, mangyayari ito maybe in two years pa.

"Kasi ngayon, I am talking in general, hindi pa ako handa. Ayoko na munang magkaroon ng relasyon kahit kanino. Trabaho na muna ang aatupagin ko ngayon," sabi ni Pauleen.

"Hinidi ko sinasabing magkakabalikan nga kami, hindi ko rin sinasabing hindi na kami magkakabalikan. Pero if ever siguro, two years pa. Sa ngayon, ayoko na muna ng rela-relasyon ," pahayag pa ni Pauleen.

Tinanong din namin si Pauleen kung may mga bago siyang manliligaw ngayon. Aminado ang young actress na meron daw.

Napag-alaman namin na dalawa sa mga suitors ni Pauleen ay mga sikat na personalidad. Pero kahit anong pilit, ayaw sabihin sa amin ni Pauleen kung sino ang mga ito.

Nang tanungin kung may politician, tumango lang ang young actres. Nang tanungin namin kung binata ito, mabilis itong sumagot ng "oo."

Yung isa niyang suitor na kilala, ang tanging clue na ibinigay niya ay "Napapanood siya minsan sa TV!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN