Cesar Montano to run for senator under TEAM Unity!


Cesar Montano will be one of the 12 senatorial candidates under TEAM Unity, the administration coalition, in this year's elections. He will be up against fellow actors Tito Sotto and Richard Gomez.


Kasasagap lang ng PEP (Philippine Entertainment) ang balitang tatakbo bilang senador ang actor-director na si Cesar Montano. Ayon sa www.gmanews.tv, si Cesar ang ipapalit ng Team Unity, ang koalisyon ng administrasyon, kay Leyte Governor Jericho Petilla, na nagdesisyong umurong sa senatorial race.

Mismong ang spokesperson ng Lakas-Catholic Muslim Democrats (Lakas-CMD) at TEAM Unity na si Tourism Secretary Joseph Ace Durano ang nagkumpirma nito sa pamamagitan ng isang television interview. Ayon kay Sec. Durano, nagdesisyon si Gov. Petilla na tumakbo na lamang for re-election sa lalawigan ng Leyte.

Bago ang anunsiyong ito, sinabi ng koalisyon ng administrasyon na hindi nila papalitan si Gov. Petilla kung saka-sakaling mag-withdraw ito sa senate race. Pero sa bandang huli nga ay nagdesisyon din silang palitan ito.

Sinabi ni Sec. Durano na mismong ang Lakas-CMD at ang TEAM Unity ang pumili kay Cesar na pumalit kay Gov. Petilla. Ayon kay Presidential Political Adviser Gabriel Claudio, si Gov. Petilla ang nag-endorso kay Cesar dahil gaya ng Leyte Governor ay isa ring Bisaya ang aktor. Si Cesar ay tubong-Bohol.

CELEBRITY CANDIDATES. Si Cesar ang ikatlong artista na tatakbo bilang senador sa May 2007 elections. Bukod sa kanya ay kakandidato rin para senador sina Tito Sotto at Richard Gomez. Makakasama ni Cesar sa TEAM Unity si Tito, samantalang si Richard ay tatakbo naman bilang independent candidate sa ilalim ng partido ng Nationalist People's Coalition (NPC), na pinamumunuan ng businessman na si Danding Cojuangco.

Naunang nabalita na sa ilalim ng opposition party tatakbo si Goma, ngunit hindi siya nakasama sa final senatorial line-up nito. Nabalita ring kukunin siya ng administration party ngunit wala rin sa listahan ang pangalan ni Goma nang ihayag ang kanilang final line-up.

Ilang linggo bago nagsimula ang campaign period, lumutang na ang pangalan nina Buboy (palayaw ni Cesar) at Goma, kasama rin ang actor-host na si Edu Manzano—chairman ng Optical Media Board (OMB)—na diumano'y mga possible senatorial candidates under TEAM Unity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUPIN. Kaugnay ng pagtakbo ni Cesar, siguradong magkakaroon ng pagbabago sa cast ng bagong action-adventure series ng GMA-7 na Lupin, na pinangungunahan ni Richard Gutierrez. Nito lamang linggo ay inihayag ng GMA-7 na pumayag na si Cesar na gumanap bilang Maestro, ang magtuturo sa karakter ni Richard, sa Lupin.

Inakala nga ng lahat na dahil sa pagtanggap niya ng nasabing proyekto ay hindi na itutuloy ni Cesar ang planong pagsabak sa pulitika. Ngunit taliwas sa inakala ng marami, tumuloy si Cesar sa pagtakbo bilang senador.

PULSE ASIA SURVEY. Samantala, sa inilabas na survey ng Pulse Asia noong February 7—na nailathala sa PEP noong February 9—wala raw isa man kina Cesar at Richard, o maging si Edu, ang mananalo kung ngayon gaganapin ang eleksiyon para sa pagka-senador. Sinabi pa ng Pulse Asia na si Tito lang daw among the celebrities ang siguradong mananalo. Sa naturang survey, nasa ika-limang puwesto ang Eat Bulaga! at two-termer senator.

Ayon sa Pulse Asia survey results, sa 12 available spots para sa mga senators this year, nasa 18-31 na puwesto sina Cesar at Edu, samantalang si Richard ay nasa 22-37 na puwesto lamang. Out of 1,200 respondents, 12.8 percent ang nagsabing iboboto nila si Cesar. Si Edu ay nakakuha ng 12.4 percent at si Goma naman ay 9.2 percent.

UNESCO. Lingid sa kaalaman ng karamihan, si Cesar ang kasalukuyang commissioner for culture and the arts ng Pilipinas para sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Nanumpa siya bilang UNESCO official noong May 2005.

Nagsimula si Cesar (na ang tunay na pangalan ay Cesar Manhilot) sa showbiz bilang stuntman at character actor hanggang sa makilala siya bilang isa sa pinakamahusay na aktor ng bansa. Bukod sa kanyang galing sa pag-arte ay kilala rin siyang bilang direktor, scriptwriter, at film producer.

Ilan sa mga pelikulang nagawa na niya ay Ligalig (2006), Panaghoy sa Suba (2004), The Chavit Singson Story (2003), Bagong Buwan (2001), Mananabas (2001), Alas Dose (2001), Muro Ami (1999), Bullet (1999), at Jose Rizal (1998). Nakagawa na rin ng Hollywood film si Cesar, ang The Great Raid noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Cesar ay asawa ng aktres na si Sunshine Cruz, at meron silang dalawang anak na babae, sina Angeline Isabelle at Samantha Angeline. May dalawa pang anak, sina Angelo at Angela, ang multi-awarded actor sa una niyang asawang si Marilyn Polinga, na namatay dahil sa brain cancer noong 1993.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN