Faith Cuneta's manager arrested for estafa


Faith Cuneta (pictured) was performing at the Metro Bar when her manager, Jacob Fernandez was arrested for estafa.


Nahuli at nakulong sa salang estafa ang talent manager na si Jacob Fernandez.

Biyernes ng gabi, February 16, sa Metro Bar sa West Avenue, Quezon City, habang nagpe-perform ang kanyang alagang si Faith Cuneta—na part ng promotion ng kauna-unaha niyang album sa Viva Records na Faith Begins—nagsidatingan ang ilang National Bureau of Investigation (NBI) officers para dakpin si Jacob na may pending warrant of arrest for estafa.

Hindi naman daw nagmatigas si Jacob at kusa itong sumama sa mga dumakip sa kanya at nagpatuloy pa rin ang concert ni Faith na halos walang nakaalam sa audience na may ganitong kaguluhan na pala.

Balitang ang dating ex-girlfriend at ang ina nito ang nag-issue ng demanda kay Jacob.

Dahil Biyernes ng gabi ito nangyari, hindi na nakapag-post ng bail si Jacob. Kinailangan niyang mamalagi sa NBI compound mula Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng umaga kapag bukas na ang tanggapan ng tumatanggap ng bail.

Nire-ready na ni Jacob ang pambayad niya sa bail sa Lunes, February 19, at doon na lang daw siya magsasalita pagkatapos niyang lumaya, ayon sa kanyang katulong sa PR kay Faith na si Joey Sarmiento.

Si Jacob ang dating manager ni Paolo Bediones and other stars.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN