Sarah, Rica, and Yeng to star in the remake of "Sana'y Wala Nang Wakas"


(From left to right) Sarah Geronimo, Rica Peralejo, and Yeng Constantino are reportedly reprising the roles originally done by Sharon Cuneta, Cherie Gil, and Dina Bonnevie in Sana'y Wala Nang Wakas.


Ire-remake din ng ABS-CBN ang isa sa mga pelikula ng Viva Films na Sana'y Wala Nang Wakas.

Pinag-a-acting workshop na nga ang apat sa anim na Pinoy Dream Academy scholars na sina Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, at Irish Fullerton. Isasabak na rin kasi sila sa acting and from sources close to the group of singers, isang soap ang gagawin nila—the remake of the drama-musical movie nina Sharon Cuneta, Dina Bonnevie, and Cherie Gil na Sana'y Wala Nang Wakas.

Sina Sarah Geronimo, Rica Peralejo, at Yeng ang gaganap sa characters ng tatlong bida. Earlier, it was supposed to be Sarah, Yeng, and Rachelle Ann Go.

The last time nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle prior to her Valentine concert with boyfriend Christian Bautista, nabanggit nga ni Rachelle that she is being offered a soap opera bukod pa sa unang pelikula na gagawin niya for Regal Films.

We were also told na aalisin ang pangalan ni Rachelle sa cast dahil baka mapunta sa kanya ang papel ni Cherie na isang kontrabida so she was replaced by Rica. Sarah is expected to play the role of Sharon while Yeng will play the role of Dina.

Kung saka-sakali, this will be the second time na gagampanan ni Sarah ang roles ni Sharon sa old movies ng Megastar. Nauna na rito ang TV version ng Bituing Walang Ningning.

Sarah was also slated to do the remake of Dear Heart, Sharon's first movie with ex-husband Gabby Concepcion. Pero hindi yata masyadong happy si Sharon sa pagre-remake ng kanyang mga pelikula kaya hindi na itinuloy ng Viva Films ang movie starring Sarah and John Lloyd Cruz sana.

Nagsisimula pa lang ang workshops nina Yeng and the other PDA at may Japan at US tours pa sila, ganun din si Sarah na may US concert with the champions, so hindi pa alam kung kailan sisimulan ang Sana'y Wala Nang Wakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Rica, may bago nang show, another Viva remake—ang Palimos ng Pag-ibig that also starred Dina, just like Sana'y Wala Nang Wakas. Makakasama niya rito sina Diether Ocampo at Kristine Hermosa na gaganap sa mga characters na ginampanan nina Edu Manzano and Vilma Santos sa big screen.

Kung saka-sakaling matuloy ang Sana'y Wala Nang Wakas, ito ang ikalawang pagkakataon na gagamitin ng ABS-CBN ang nasabing titulo sa kanilang drama series. Matatandaang from 2003 to 2004 ay nagkaroon na ang Dos ng primetime drama series na may pamagat na Sana'y Wala Nang Wakas, starring Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Diether Ocampo, and Angelika dela Cruz. Ang theme song na ginamit dito ay siya ring theme song na originally sung by Sharon Cuneta in the movie she starred in.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN