No reconciliation yet for Ara Mina and Polo Ravales


Both Ara Mina and Polo Ravales requested the entertainment press to let them fix their problems first. "Siguro hingi na muna ako ng favor, last muna ito hanggang sa tingnan namin kung hanggang saan maayos. And we'll let you know soon, siyempre nahihiya kami sa inyo," says Ara in a taped interview.


Sa "Naked Love" concert ni Ara Mina na naganap noong February 14 sa Rembrandt Hotel, Tomas Morato Extension sa Quezon City—lubos na nasorpresa ang actress-singer sa pagdating ni Polo Ravales. Ito ay sa kabila ng mga balitang hiwalay na silang dalawa.

Ang haka-haka ng ilan, isa lang daw itong gimik. Sagot naman ni Ara, "Well, we're still trying pero hindi namin minamadali lahat, di ba? We cannot please everybody. Baka sabihin ng iba gimik lang or something."

Sa kabila nito, umaasa pareho sina Ara at Polo na maayos din nila ang kanilang relasyon. Ayon kay Polo, "'Yong away namin, hindi lang talaga kami nagkakaintindihan so feeling ko, madali naman siyang ayusin. May mga times lang na nagla-lack kami ng understanding. May mga time na, 'yon nga, medyo nagkakaroon kami ng tampuhan tapos wala pa kaming masyadong time."

Kaugnay sa kagustuhan nilang magkaayos, hiniling ng magkasintahan sa entertainment press na bigyan muna sila ng kaunting privacy. Sabi ni Ara sa taped interview sa kanilang dalawa ng Startalk noong Pebrero 17, "Last interview na muna namin ito pareho at hayaan na muna naming i-work out ang buhay-buhay namin. Mahirap na sa part namin, artista kami so hindi maiiwasan na ma-broadcast kung ano na ang nangyayari sa amin."

Tulad ni Ara, hiniling din ni Polo na, "Siguro mas makakabuti para sa amin na wala munang talk show. Hayaan na muna kami."

Samantala, kahit na may kaunting hindi pagkakaunawaan, aminado naman silang pareho na mahal pa rin nila ang isa't isa. Sa katunayan, sinabi pa ni Polo kay Ara, "Alam naman niya na kahit na anong mangyari, nandito lang ako para sa iyo."

Magsasama sina Ara at Polo sa bagong fantaserye ng GMA-7 na Lupin. Maaaring maging daan daw ito upang magkaayos muli ang dalawa. At ang pabirong pahayag ni Ara ukol dito, "Madalas na niya akong makikita. Kasi hindi pa kami nagsasama sa isang show, ngayon pagsasamahin kami ng GMA. Baka manumbalik, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN