Cogie Domingo on Lovi Poe: "She's really special to me."


"All I can say is that masaya kami pareho, she's really special to me.Gustung-gusto ko yung pagiging totoong tao at kasimplehan ni Lovi," says Cogie Domingo.


Noon pa man ay usap-usapan na ang espesyal na relasyon nina Lovi Poe at Cogie Domingo sa kabila ng patuloy nilang pagde-deny na wala pang pormalidad ang kung anumang namamagitan sa kanila.



Sa It's Gonna Be Love concert ni Lovi last February 11 sa Teatrino Greenhills, naging special guest ng young singer-actress si Cogie at ang mga magulang ng young actor na sina Atty. & Mrs. Rod & Zeny Domingo. Bale birthday concert ito ni Lovi, who turned 18 on that same day. May nakapagbulong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na isangpares ng mamahaling earrings ang regalo ni Cogie para sa dalaga.



Kay Cogie rin inihandog ni Lovi ang kanyang last song habang magkayakap silang sumasayaw sa gitna ng stage. Ang pinagtatakhan lang ng marami ay kung bakit patuloy ang pagde-deny ng dalawa gayong kung ang pagbabasehan ay ang kilos at ang malalagkit na tinginan nila ay very obvious naman na wala na talaga silang dapat pang kumpirmahin.



"Kesa naman sa mag-deny kami, mas maganda na kung secret muna. Malalaman din naman ninyo ang totoo. All I can say is that masaya kami pareho, she's really special to me. Gustung-gusto ko yung pagiging totoong tao at kasimplehan ni Lovi," paglalahad pa ni Cogie sa panayam ng PEP pagkatapos ng concert ni Lovi.

Sinabi ni Cogie na maraming pagbabago ang nangyari sa kanya mula nang matutunan niyang mahalin si Lovi, na co-star niya sa primetime drama series ng GMA-7 na Bakekang. Isa na nga rito ang negative attitude niya before sa trabaho, kung saan madalas ay late o kung hindi man ay hindi sinisipot talaga ni Cogie ang kanyang mga tapings o shootings.



"Aminado naman ako sa mga naging pagkakamali ko before and masasabi ko na nababago ko na siya. I won't also deny na malaki ang impluwensiya sa akin ni Lovi dahil nakikita ko how much she loves her craft," sabi ni Cogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ng negative attitude niya dati sa trabaho, sa guesting ng aktor na si Jake Roxas sa radio program ni DJ Mo Twister na Good Times ay ang pangalan ni Cogie ang isinagot nito sa tanong na kung sinong artista ang ayaw niyang makasama sa trabaho. Ayon kay Jake, sobrang unprofessional daw kasi ni Cogie.

Nang hingan namin ng pahayag si Cogie tungkol sa sinabing ito ni Jake ay kampanteng nagpaliwang ang young actor.



"I can't blame him dahil talagang late naman ako dati," pag-amin ni Cogie. "Kung ganun ang reputation ko sa kanya, kung ganun ang pagtingin niya sa akin, wala akong magagawa.

"Personally, I don't know him [Jake]," patuloy ng young actor. "Ako kasi, trabaho lang naman ang ipinupunta ko [sa tapings or shootings]. Kung may problema man kami sa isa't isa, dapat kaming dalawa ang mag-usap."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN