Vic Sotto quits smoking for Pia Guanio


Pia Guanio and boyfriend Vic Sotto spent a five-day vacation in the United States last Valentine week.



Limang araw na nagbakasyon sa Amerika ang magkasintahang sina Pia Guanio at Vic Sotto. Sa bakasyon nilang ito ay lalong umigting ang kanilang pagmamahalan sa isa't isa dahil sa commitment ni Vic kay Pia noong mismong Valentine's day.

"He asked me, ‘Anong Valentine gift ang gusto mo?' I asked him, ‘Can you quit smoking?' That's all I asked from him and he readily agreed. That's the best gift anybody can give me at this particular time," kuwento ni Pia sa S-Files kahapon.

"You're after his good health all the time," sabi pa ni Pia. "You're after spending more and more years with him. Patagalan na ‘to. I'm happy with the commitment he gave me."

Hindi naman kaila sa marami na medyo malaki ang agwat ng edad nina Vic at Pia. Fifty-two na si Vic samantalang thirty-something pa lang si Pia.

Samantala, habang masaya silang nagbabakasyon ni Vic sa US, lumabas ang balitang nangagat daw ang alagang aso ni Pia. Ayon sa ulat ng Pilipino Star Ngayon na nailathala noong February 15, naganap daw ang insidente sa ikatlong palapag ng Renaissance condominiums, kung saan nakatira ang TV host, noong February 13.

Habang naglalakad diumano ang biktimang si Emmanuel Fryzer, isang Israeli national, sa gilid ng swimming pool na nasa ikatlong palapag ng Renaissance, bigla na lamang daw siyang hinabol ng aso ni Pia na nagngangalang Snoop at nang maabutan ay kinagat siya sa hita. That time ay kasama ng alagang Jack Russell terrier ni Pia ang maid ng TV host.

Sa S-Files din kahapon ay humingi ng dispensa si Pia sa nasabing Israeli.

"I take full responsibility for anything she does, for whatever injuries she's caused Mr. Fryzer. Gusto ko lang pong ipaalam, I'm very sorry for what happened," sabi ni Pia.

"Di po sinasadya yun," patuloy pa niya. "Kung ano mang injuries ang idinulot ng aso ko sa inyo, I'm ready to face it and to pay up kung meron man siyang nagastos tending to his wounds and all that. Mr. Fryzer, I would like to meet with you in the near future."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Pia, sa ngayon daw ay hindi pa malinaw kung gaano kagrabe ang sugat na natamo ng Israeli

"According to my maid, she just scratched him. Hindi naman talaga nangangagat yung doggie ko. Very protective kasi yun of her amo. Malakas siyang mag-bark, medyo nanghahabol siya nang konti. Intimidating siya in the beginning but her bark is really worse than her bite," paliwanag pa ni Pia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN