Gerald denies rumor that Kim has a non-showbiz boyfriend


"Every day, habang tumatagal, mas nagiging stronger ang feelings ko for Kim but we're still friends pa rin," says Gerald Anderson.



Usap-usapan na sakit ng ulo ng direktor na si Jerome Pobocan ang lead stars niya sa Sana Maulit Muli na sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Balita kasing umaabot daw hanggang take 10 ang mga eksena ng dalawang baguhan.

Ang Sana Maulit Muli ang kauna-unahang soap opera sa ABS-CBN nina Kim at Gerald, na kapwa produkto ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

"I won't deny siguro nung nauunang weeks namin kasi di pa kami sanay. Pero sa ngayon, okay naman na. Nangangapa pa talaga kami noon, sobra kaming kinakabahan. Siyempre baguhan pa rin kami, we're still learning. Pero ginagawa naman namin ni Kim ang best namin," paliwanag ni Gerald sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Noon pa bali-balita ang pagkakaroon ng non-showbiz boyfriend ni Kim sa kabila ng consistent na pagde-deny ng young actress. Kung saka-sakali raw na totoo ito, kaya raw ni Gerald na tanggapin ito.



Aniya, "Sa pagkakaalam ko, she doesn't have a boyfriend. Pero kung totoo man, di ko pipigilan si Kim, decision niya yun. I must admit mahe-hurt ako, pero ganun talaga e. We have to respect kung ano ang gusto niya."

Hindi naman itinatago ni Gerald na lalong napapalapit sa kanya ngayon ang kapareha dahil sa halos araw-araw nilang pagkikita. Ito ay sa kabila ng balitang hindi talaga pabor ang ama ni Kim na si William Chiu kay Gerald.



"Every day, habang tumatagal, mas nagiging stronger ang feelings ko for Kim but we're still friends pa rin. Wala pa ring [special] relationship. For me, mas maganda kung wala pa talagang relasyon kasi mas mahirap when you mix emotions with work," sabi ng Fil-American na lumaki sa General Santos City.



"Mabait si Tito William sa akin. Sobrang close nga kami so there's no truth sa issue na ayaw niya sa akin. Saka alam ni Tito Will na friends lang talaga kami ni Kim," pagtatapos na ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN