Mo Twister and Janet McBride breakup for the second time


"One day she'll be a great girlfriend and a great wife to somebody else," says Mo Twister about Janet McBride.



Sa magkahiwalay na panayam sa kanila ng S-Files kahapon, February 18, ay parehong kinumpirma nina Janet McBride at Mo Twister na hiwalay na sila. Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-break ang dating magka-live in.

"When I met him [Mo], I was only 16, very young. Now that I'm 23, I think a lot has changed. Nag-mature ako, I changed a bit, even him as a person, too. Maraming nagbabago. I think a little bit will have to do with outgrowing each other. It's hard to go back to where it was after breaking up twice," panimulang pahayag ni Janet.

Wala raw anumang hinanakit sa naging paghihiwalay nila ni DJ Mo, ayon kay Janet.

"Very peaceful talaga yung breakup namin," sabi ni Janet. "We didn't fight. We didn't say any harmful things to each other. Actually friends kami first e, before naging kami."

Nang tanungin siya kung may pag-asa silang magkabalikan, sinabi ni Janet na, "The first time we broke up was in 2005. Six months kaming naghiwalay and we realized during that six months that maybe we can try again."

Dagdag pa niya, "So we tried but since then, naging rocky pa rin yung relationship namin. We couldn't put it back to how it was from the very beginning. Maybe the second time, the third time around, tama na, even if we care for each other so deeply. Maybe it's just not gonna work out now."

Nagbigay rin ng kanyang pahayag si DJ Mo tungkol sa paghihiwalay nila ni Janet.

"Umuwi ako dito sa Philippines for the first time, we have already broken up," sabi niya. "We're trying our best. Kahit hindi kami mag-on, we're still very close. We're very sweet. She's a wonderful person. One day she'll be a great girlfriend and a great wife to somebody else."

Kasalukuyang nasa Estados Unidos si Mo upang dalawin ang anak niya kay Bunny Paras na si Moira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm going to visit my daughter in the US. She's suffering from a neurological problem. She's having hard time walking. But everything's okay," positibong pahayag ni Mo.

Hindi raw magdadalawang-isip si Mo na magtagal sa Estados Unidos kung kinakailangan para sa kanyang anak. "I will. My daughter means the world to me. I don't get the chance to see her often. I love her dearly."

Walong taon din ang itinagal ng relasyon nina Mo at Janet. Matatandaang iniwan ni Janet ang kanyang papausbong na showbiz career dito sa Pilipinas noong 2001 para kay DJ Mo.

Nasubukan nang husto ang tibay ng kanilang pagsasama sa Amerika. Iba't ibang odd jobs ang pinasukan ni Janet—call center agent, photographer, at customer care service sa isang mall. Si Mo naman ay naging 911 operator.

Unang bumalik sa Pilipinas si DJ Mo noong 2005 at nang sumunod na taon ay si Janet naman ang umuwi.

Nakatuon ngayon ang atensiyon ni Mo sa radyo at television bilang host ng radio program na Good Times at host ng TV show na Y Speak sa Studio 23. Balita ring magkakaroon siya ng show sa GMA-7. Nagbalik-telebisyon naman si Janet noong nakaraang taon via the GMA-7 sa soap opera na Makita Ka Lang Muli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN