Direk Joyce Bernal clarifies rumor about Regine-Piolo movie


"Totoo po na nagkaroon ng konting problema, pero naayos na po ‘yon," says director Bb. Joyce Bernal about her movie with Regine Velasquez and Piolo Pascual.



Nagulat si Direk Joyce Bernal nang tawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kanina at tanungin tungkol sa balita—na lumabas dito sa PEP kahapon—na gusto na niyang mag-back out sa pagdidirek ng Fallen (tentative title), na unang pagtatambal nina Regine Velasquez at Piolo Pascual sa Star Cinema pagkatapos ng ilang pagtatangka na pagsamahin sila two years ago pa.

Ayon sa ulat ni Pilar Mateo, nakita raw niyang umiiyak si Joyce habang may kausap sa cell phone. Diumano ay hindi na masaya ang lady director sa kanyang trabaho sa pelikula nina Regine at Piolo dahil marami raw ang nakikialam sa kanya. Dagdag pa rito yung gusto na raw niyang isanla o ibenta ang kanyang BMW car para maibalik ang downpayment sa kanyang P400,000.

"OA po naman ang downpayment na iyon at baka ma-BIR pa ako!" sabi ni Direk Joyce. "Nagulat nga po ako nang may tumawag sa akin kaninang madaling-araw from the States, nabasa nga raw niya sa Internet ang tungkol sa issue. Wala pong katotohanan ang balitang iyon.

"Totoo po na nagkaroon ng konting problema, pero naayos na po ‘yon. In fact, nang tawagan ako noong madaling-araw, sabi ko sa kausap ko, paano mangyayari ‘yon, katatapos ko pa lang makipag-meeting sa Star Cinema? Saka kung totoo pong may malaking problema, sasabihin ko na agad ‘yon sa aking manager [Ethel Ramos] para kaming dalawa ang makipag-usap sa Star Cinema. Ni hindi nga po niya alam na may ganoong issue."

Dagdag pa niya, "Ang totoo po, medyo nahihirapan lang kaming mag-schedule ng shooting dahil parehong busy sina Piolo at Regine. Since nag-start po kaming mag-shooting noong December 19, 2006, naka-five shooting days pa lang kami ngayon.

"Nang mag-shooting pa kami last week, naaksidente pa si Piolo sa sinasakyan nitong BMW bike sa isang eksena sa movie. Wala po namang dapat ipag-worry ang mga fans niya dahil hindi naman grabe ang pinsala nito sa paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May schedule na po kami ulit ng shooting sa Thursday [February 22] at sa Saturday [February 24] na si Piolo pa lang ang isu-shooting namin, habang hinihintay namin si Regine. Pinagbakasyon muna siya [Regine] ng doctor niya ng two weeks pagkatapos ng isang medical procedure na ginawa sa kanya. May tinanggal na polyp sa isang parte ng kanyang katawan, at by February 28, pwede na raw siyang mag-shooting. Kung kakayanin po ni Regine ang tuluy-tuloy na shooting sa March, kukunan na namin ang mga eksena nila ni Piolo at ng gaganap niyang anak sa isang private beach sa Botolan, Zambales."

Kilala naming matapang si Direk Joyce Bernal sa buhay, kaya kung maliliit lamang problema ay kayang-kaya niyang lutasin. Pero sabi niya, kung talagang malubha ang problema, hindi siya magdadalawang-isip na ibenta o isanla nga ang kanyang kotse para maibalik lamang niya ang downpayment na ibinayad sa kanya. Hindi nga ganoong kalaki ang problema, kaya wala raw saulian na nangyari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN