Roxanne Guinoo says she will never fall for a married man


"Marami naman pong binata so bakit naman sa may sabit pa ako papatol?" says Roxanne Guinoo.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Roxanne Guinoo sa birthday press con na ipinatawag ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, kahapon, February 19. Gaya ng dapat asahan, muling napag-usapan ang pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Bernard Palanca at Meryll Soriano.

"Nagtataka nga po ako kung bakit ngayon lang lumabas 'yan e. Matagal na since tinext ako ni Bernard, bago pa sila ikasal [ni Meryll]," sabi ni Roxanne.

Ano'ng reaksyon ng pamilya niya ngayong inaakusahan siya na may kinalaman sa hiwalayan nina Bernard at Meryll?

"Wala naman po. Hindi rin sila nagulat kasi dati pa po, alam na nilang nagte-text sa akin si Bernard. Open naman ako sa kanila. Sila pa nga ang nag-advice sa akin na umiwas ako kasi alam naman ng lahat yung sa kanila ni Meryll," sagot ni Roxanne.

Nilinaw rin ni Roxanne na never niyang in-entertain ang "pagpaparamdam" sa kanya ni Bernard.

"Right away, ipinaramdam ko sa kanya na hindi puwede," diin ni Roxanne. "Kasi nga, mahirap na, ayoko ng gulo. Hindi lang isang beses siyang nag-text. Opo, sinasagot ko naman yung mga text niya out of respect. Kinu-‘kuya' ko siya. Parang yun yung way ko para makaiwas. 'Pag nagkakasalubong kami sa ABS-CBN, nagha-hi naman siya, pero hanggang doon lang."

Nilinaw rin ni Roxanne na never siyang papatol sa isang lalaking may asawa o hiwalay sa asawa.

"Wala po akong planong pumatol sa ganyan, mahirap na. Magulo yung gano'n. Marami naman pong binata so bakit naman sa may sabit pa ako papatol?" ani Roxanne.

Para kay Roxanne, pinaka-worst pa rin na intrigang ibinato sa kanya ay yung ma-link siya sa isang DOM (Dirty Old Man).

"Nasaktan ako, pero mas nag-worry ako sa parents ko kasi sila talaga yung concern ko," sabi ng young actress.

Samantala, ipinagmalaki ni Roxanne na malapit na niyang simulan ang pag-aaral ng horseback riding bilang paghahanda sa TV commercial na gagawin niya para sa White Castle whiskey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinakabahan po ako kasi hindi talaga ako marunong mangabayo. At the same time, excited din po ako at flattered dahil ako ang napili nilang endorser. Malaking karangalan po 'yon on my part," sabi pa ni Roxanne.

Huling commercial ng White Castle ay noong 1998 pa kung saan itinampok ang dating sexy actress na si Glydel Mercado. Sa paglabas ni Roxanne bilang pinakabagong endorser ng nasabing hard drink, siguradong magbabago ang pagtingin sa kanya ng publiko, lalo't naka-two-piece lang siya sa nasabing commercial. Handa na ba siya sa bagong image na maaaring likhain sa kanya nito?

"Expected ko na po na merong sasabihin ang ibang tao. Kaya nga po hindi rin naging gano'n kadali sa akin na tanggapin ang offer nila. One week ko po itong pinag-isipan. Pati Dad ko, sobrang nag-isip din muna siya bago niya ako pinayagan na gawin yung commercial. Inisip na lang po namin na trabaho lang. Saka in-assure naman po ako ni Mr. M [Johnny Manahan, head ng Star Magic] na hindi porke't nagpa-sexy ako sa White Castle ay puro sexy na ang mga susunod kong projects," kuwento pa ni Roxanne.

Sabi-sabi na nagrerebelde siya sa break-up nila ni Joross Gamboa kaya nagwawala siya at pumayag na ring mag-pose nang sexy sa isang men's magazine. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi po totoo 'yon!" mariin niyang tanggi. "Tanggap ko na yung nangyari sa amin ni Joross at masaya na ako ngayon, although matagal ko talagang iniyakan yung breakup namin."

Since nalilinya siya sa pagpapa-sexy, paano kung alukin siya na ipa-enhance ang isang bahagi ng kanyang katawan? Willing ba siya na sumailalim sa pagpaparetoke?

"Ay, ayoko po!" mabilis na sagot ni Roxanne. "Takot po akong magparetoke. Cancerous po 'yan! May push-up bra naman po, siguro 'yun na lang!"

Sa tanong naman ng PEP kung sino ang suwerteng lalaki na nagpapatibok ng puso niya ngayon ay ito ang isinagot ni Roxanne: "Si Piolo [Pascual] po!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, siya po ang crush ko," paglilinaw niya. "As in sobrang crush ko siya talaga! Ang guwapo niya kasi at mabait pa. Nung mag-break nga kami ni Joross, lagi niya [Piolo] akong sinasabihan every time na magkikita kami sa ASAP na 'move on,'" tila kinikilig na kuwento pa ni Roxanne.

Sinabi pa ng young actress na hindi siya naniniwala sa mga tsismis na kumukwestiyon sa pagkalalaki ng sikat na aktor.

"Hindi po ako naniniwala. Willing akong ipagtanggol siya na hindi totoo yung tsismis," sabi pa ni Roxanne.

Paano kung ligawan siya ni Piolo?

"Ay, parang imposible pong mangyari ‘yon! Mahirap yung tipo niya. Saka masaya na po ako na pinapantasya si Piolo," huling nasabi ni Roxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN