Sam Milby not bothered by gay rumors


"I know that if they know me personally, they definitely won't think that way at all," says Sam Milby about rumors that he is gay.



Sa kabila ng pagkaka-link ng kanyang pangalan kina Toni Gonzaga at Anne Curtis, hindi pa rin mamatay-matay ang mga isyu na kumukuwestiyon sa pagkalalaki ng matinee idol na si Sam Milby.



Kamakailan nga lang ay may kumalat na litrato sa Internet kung saan magka-holding hands sina Sam at Piolo Pascual. Hindi pa kumpirmado kung totoong kuha ito o computer-enhanced. Pero ang malinaw ay may mga tao talagang naniniwala na may namamagitan sa dalawang matinee idols, bukod sa pagiging magkaibigan.

During the live presentation of ASAP '07 last Sunday sa Aliw Theater ay kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Sam tungkol sa walang tigil na isyu tungkol sa kanyang pagkalalaki at ang pagli-link sa kanila ni Piolo.



"Honestly, I know that if they know me personally, they definitely won't think that way at all. If they knew me deeply, of course, they won't think that. The sad part is that if you're friends with someone, they're gonna look at it the wrong way. Piolo is a friend that helps me through show business," paliwanag ni Sam.



"For me, I don't feel that I need to prove anything to anyone. That issue doesn't bother me at all," pahabol pa niya.

Samantala, may lumabas na balita na nahuli raw ni Toni sina Sam at Anne na naghahalikan sa isang dressing room ng ABS-CBN. Ito raw ang dahilan kung bakit lalo raw lumayo ang loob ni Toni kay Sam, na very open naman sa nararamdaman niya para sa dalaga. Lalo raw tuloy lumabo ang tsansa ni Sam na mapaibig sa Toni.



"Definitely, that's not true," pagtanggi ni Sam "We [Toni and I] have a very strong friendship. What's good is that whenever you're in a relationship, friendship is a good foundation of a relationship. It is a good start. But honestly, even if I want to have a lovelife, I don't have the time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Before, when I wanted to court Toni, she actually told me that she didn't want me to court her. This is before You Are The One," sabi ni Sam, na ang tinutukoy na pelikula ay ang first movie nila together ni Toni.



"I would definitely say that Toni will always have a special place in my heart. Pagkatapos kasi ng You Are The One, parang di na kami nagkita, busy na rin siya, bihira na kami na mag-usap or get in touch. But now we are doing a movie, You Got Me, we get to see each other a lot more.



"For me kasi, if I wanna court someone, if I wanna be with someone, I wanna have time for that person. I don't have the time and space right now with my time schedule. But later on, we never know," aniya pa.

Kung very open si Sam sa nararamdaman niya kay Toni, ganundin naman si Toni para kay Vhong Navarro, na co-host ng dalaga sa Wazzup Wazzup. Sinabi pa nga ni Toni na hindi niya isinasara ang posibilidad na maaaring sa bandang huli ay sila ang magkatuluyan ni Vhong, na sa kasalukuyan ay karelasyon ang young actress na si Desiree del Valle.



"No, I'm not hurt," kampanteng sagot ni Sam nang hingan namin ng reaksiyon tungkol kina Toni at Vhong.

Dagdag pa niya, "How long do they know each other? I always look at them as brother and sister. I know that they always been close. They see each other almost everyday. How many times do they work together? I know they really click, they really get along well."

Regular na mapapanood si Sam sa Sunday musical variety show na ASAP ‘07 at sa primietime drama series na Maging Sino Ka Man, both on ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN