Angel Locsin to reprise Vilma Santos's role in "Relasyon"


Angel Locsin (right) is reportedly playing the lead role in the remake of Relasyon, the movie that won for Vilma Santos (left) her first-ever grand slam best actress awards.



Si Angel Locsin ang gaganap sa role na ginampanan ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa remake ng classic movie na Relasyon (1982).

Vilma's role as a mistress won for her the first-ever grand slam acting award for an actress in a lead role. Directed by the late Ishmael Bernal and written by Ricky Lee, Relasyon also starred Christopher de Leon as Vilma's lover and the late Jimi Melendez (father of Aiko Melendez) as Vilma's suitor.

Isa ang Relasyon sa mga Regal movies na balak sanang bilhin ng ABS-CBN para gawing soap opera. But Regal Entertainment has decided to do a remake instead, with Angel reprising Vilma's award-winning role.

Regal is also eyeing Aga Muhlach to play Boyet's role. Dito sa remake ay balitang mas mahaba ang exposure ng role ng lalaki kaysa sa original movie.

Balitang mas hahabaan din ang papel ng magiging asawa ni Aga, if he do accept the project, sa pelikula. In the original movie, dalawang beses lang ipinakita ang asawa ni Boyet, once sa ospital and the other sa libing, dahil umiikot nga ang kuwento sa point of view ng kabit ng lalaki.

Raquel Villavicencio is doing the script with Joel Lamangan as the director.

Balita ring makikipag-tie up ang Regal Entertainment with Star Cinema to get the services of Aga, being an exclusive contract artist of the film arm of ABS-CBN. Puwede itong magawa without the cooperation of GMA Films this time dahil although exclusive si Angel sa GMA Network for TV assignments, she is under contract with Regal Films pagdating sa pelikula.

Kung saka-sakaling matuloy ang pagre-remake ng Relasyon, napakalaking pressure nito for Angel dahil masyadong identified ang role na ito kay Vilma. Idagdag pa rito ang katotohanang this was the role that made Vilma the first-ever grand slam best actress winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN