Jilly Yulo accuses ex-boyfriend Alwyn Uytingco of being gay


Alwyn Uytingco (left) reacts to Jill Yulo's (right) statement that the reason they broke up was because of Alwyn's extra closeness to his male friends, particularly Janus del Prado.



Sa birthday press con na ipinatawag ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, para sa mga talents nila na nagse-celebrate ng birthday this February, nakatsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at kinunan ng reaksiyon ang young actor at dating child star na si Alwyn Uytingco kaugnay sa pinagsasabi ng ex-girlfriend niyang si Jill Yulo, na kasama niya ngayon sa Maria Flordeluna.

Nang tanungin kasi ng PEP si Jill a few months back kung ano ang dahilan ng breakup nila ni Alwyn ay walang gatol nitong sinabi na ang pagiging mas matimbang kay Alwyn ng mga kaibigan, partikular na si Janus del Prado, ang naging mitsa ng kanilang hiwalayan.

Feeling daw kasi ni Jill ay mala-Brokeback Mountain (pelikula sa Hollywood na tampok sina Heath Ledger at Jake Gyllenhaal kung saan nagkaroon ng gay relationship ang dalawa) ang drama nina Alwyn at Janus kaya mas gusto ni Alwyn na laging kasama ang huli kesa sa kanya na nobya nito.

Sa pakikipag-usap na iyon ng PEP kay Jill, ilang beses nagpahayag ng pagdududa ang dalaga sa pagkalalaki ng ex-boyfriend. Kulang na nga lang ay diretsahan niyang kumpirmahin na bakla si Alwyn.

Ngunit sa halip na mairita, tawa lang nang tawa si Alwyn at mukhang hindi naman apektado sa narinig. Ayon pa sa young actor, sanay na siya kay Jill.

"Dati ko nang naririnig sa kanya 'yon. Na nagbo-brokeback-an nga daw kami ng mga friends kong guys," tawa niya.

"Hindi ako apektado kasi alam ko namang hindi totoo," sabi ni Alwyn. "Nung kami pa, madalas siyang magalit kapag nalalaman niyang kasama ko na naman si Janus at ang banda ko. Minsan sasabihin niya ‘Bakla ka ba?' Pero kapag sinabi ko naman na babae ang kasama ko, sinasabi niya na two-timer ako. So ano ba talaga?"

Aminado si Alwyn na hindi maayos ang breakup nila ni Jill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa phone lang kami nag-break. Sabi niya, 'Alam mo mag-break na lang tayo, di na kita kaya.' Actually, lagi niyang sinasabi 'yon tuwing nag-aaway kami. Nung una, hindi ako pumapayag. Pero nung huli, sabi ko sa kanya, bahala na siya kung yun ang gusto niya.

"Parang na-ano na rin ako kasi palagi kaming nag-aaway. Usually, maliliit na bagay lang naman ang pinag-aawayan namin. Si Jill kasi, may pagka-dominante. Kahit mga kaibigan ko, napapansin ang ugali niyang ‘yon," kuwento pa ng binata.

Sa tanong kung may pag-asa pa silang magkabalikan ng ex-girlfriend ay bahagyang napailing si Alwyn. May bago na kasi siyang nililigawan in the person of Princess Ryan (a Star Circle Batch 13 member), samantalang maugong ang usap-usapan na mag-on na si Jill at ang anak ni Senator Lito Lapid na si Meynard Lapid.

Ano'ng message niya kay Jill?

"Peace!" maikling tugon ni Alwyn.

Incidentally, nag-celebrate ng kanyang 19th birthday si Alwyn last February 11. Wala raw nagregalo sa kanya kaya ibinili na lang niya ang sarili ng Play Station 3 worth P35,000.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN