Dennis Trillo's rumored beauty queen-girlfriend, pregnant?


Dennis Trillo and rumored girlfriend Carlene Aguilar both refused to be interviewed regarding a rumor that the beauty queen is pregnant with the young actor's baby.



Maugong ang sitsit na nagdadalantao diumano ang Bb. Pilipinas-World 2005 na si Carlene Aguilar at ang ama raw ng kanyang dinadala ay walang iba kundi ang kanyang rumored boyfriend na si Dennis Trillo.

Nagsimulang kumalat ang isyu nang mamataan si Carlene sa isang mall na namimili ng mga maternity dress. Ayon sa isang source, labas-masok nga raw si Carlene sa fitting room para isukat ang mga napiling damit-pambuntis kaya sigurado raw ang source na sa beauty queen ang mga pinamiling maternity dress.

Pero nang mamataan si Carlene ng ilang reporters sa Mr. World Philippines na ginanap noong Sabado, February 17, kung saan siya ang host ay umiwas magpa-interview ang beauty queen.

"Huwag na lang po. Hindi naman po ako artista," sagot nito sa mga reporters na nagtangkang mag-interview sa kanya.

Kahit nga anong pangungulit ng mga reporters at ilang TV crew na nakakita kay Carlene sa nasabing event ay hindi nila ito napilit na magsalita tungkol sa isyu.

"Huwag na po! Please lang po," ang paulit-ulit na tanggi nito.

Matatandaan na ilang beses idinenay ni Dennis ang isyu na may relasyon sila ni Carlene. Sinabi pa niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya kay Angel Locsin na naka-MU (mutual understanding) niya habang ginagawa nila ang Mulawin. Pero dahil pareho silang busy sa kani-kanilang career ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na ma-develop ang kanilang relasyon.

Hanggang sa maging boyfriend ni Angel si Oyo Sotto. Ngunit ngayong nakipaghiwalay na ang young actress sa dating nobyo, hindi raw masabi ni Dennis kung itutuloy niya ang panliligaw sa dating leading lady.

"Hindi ko pa masasabi. Sa ngayon ayokong manghimasok. Kaibigan ko rin kasi si Oyo. Siguro 'pag nagkaroon ng pagkakataon. Mahirap namang pilitin. Lalo't sobrang busy si Angel," sabi pa ni Dennis sa mga nakaraan niyang interview.

Ngunit sa kabila ng mga pahayag na ito ni Dennis, never namatay ang isyu na sila pa rin ni Carlene. Hanggang sa pumutok nga ang balita na buntis ang huli. Ngunit gaya ng beauty queen, tumanggi ring magpa-interview ang aktor sa Startalk at S-Files kaya lalong tumindi ang espekulasyon na marahil ay totoo nga ang isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN