Kris Aquino celebrates her 36th birthday with a simple lunch


TV host-actress Kris Aquino, who turned 36 last February 14, celebrated her birthday with a simple lunch at her Oakwood condo unit.



Sa gitna ng kontrobersiya at problemang kinahaharap ngayon ni Kris Aquino ay simple ngunit masaya pa rin siyang nagdaos ng kanyang 36th birthday nung mismong Valentine's day, February 14. Nagpa-lunch lang siya sa kanyang condo unit sa Oakwood with her gay friends. Nandun din ang mister niyang si James Yap at anak na si Joshua.



From a reliable source na kasama that day, behave lang daw si James habang nagtsitsikahan ang mga kaibigan ni Kris over lunch.

Hindi naman kaila sa lahat na may problema ngayon sa pagsasama ng mag-asawang Kris at James. Pero sa kabila nito ay naging matatag pa rin sila, lalo na ang nagdadalang-taong si Kris na piniling ipaglaban ang pagsasama nila ni James.

Nandun din sa pa-lunch ni Kris ang pinsan at best friend niyang si Rina, na personal staff din ng TV host-actress.



Gabi na um-attend ng mass si Kris kasama si James. Pagkatapos nito ay natulog na siya.

Kinabukasan, February 15, si James naman ang may kaarawan. The Purefoods player turned 25.

According to our source, very sweet raw sina Kris at James nung araw ng birthday ng basketbolista. Mukhang nagkaayos na ang mag-asawa at balitang nagkulong lang daw sa kuwarto sina Kris at James maghapon.



Two days nag-day off si Kris sa taping ng mga shows niya sa ABS-CBN—The Buzz, Game Ka Na Ba, and Deal Or No Deal.

Last year, na-delay ang gift nina Kris at James sa isa't isa dahil pareho silang busy. Pero nung nagkaroon sila ng chance na makapag-abroad, binigyan daw ni James si Kris ng diamond-studded oval-shaped ring. Samantalang mamahaling relo naman daw ang binili ni Kris for James.

Bumili rin si Kris ng Ralph Lauren dress para sa baby nila ni James. Bukod dito, may nagregalo na rin daw ng Gucci shoes para sa baby nila. At para hindi naman magtampo ang panganay niyang si Joshua, pinaplano na ring bilhin ni Kris ang Louis Vuitton shoes na ipinabibili ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Matapos ang dalawang araw na pahinga ni Kris, balik-trabaho na ulit siya. Nag-shoot na naman ng bagong TV commercial si Kris. At nung Sabado, February 17, balik siya sa taping ng Deal or No Deal, na magtatapos na this month.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN