Hope confirms affair with James but denies she is pregnant


Startalk has an exclusive interview with Hope, the former Belo Medical Group employee whom James Yap (pictured) is said to have had an affair with, which will be aired this Saturday, February 24, 2007.



May exclusive interview ang Startalk kay Hope, ang former Belo Medical Group employee na itinuturong ugat sa away ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap.



Taliwas sa unang ulat na live interview ang gagawin ng Startalk kay Hope, kahapon, February 20, ay in-interview na ni Lolit Solis ang dating empleyado ng Belo Medical Group. Mapapanood ang nasabing interview sa darating na Sabado, February 24.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kinumpirma ni Hope kay Lolit na totoo ang tsismis tungkol sa pagkaroon niya ng relasyon sa asawa ni Kris.



Nagsimula diumano ang kanilang relasyon noong March 2006 at natapos nito lang January 2007, nang matanggal si Hope sa trabaho dahil nalaman ng management ang sikreto nila ni James.

Ang may-ari ng Belo Medical Group ay si Dr. Vicki Belo na kilalang malapit na kaibigan ni Kris.



"Big Bird" ang code name ni Hope para kay James at ipinakita niya sa Startalk ang mga litrato nila na magkasama. Ipinabasa rin ni Hope ang mga text messages na ipinadala sa kanya ng asawa ni Kris.

Pinabulaanan din ni Hope ang haka-haka na buntis siya.



Inaasahan na aabangan ang paglabas ni Hope sa Startalk dahil explosive ang kanyang mga rebelasyon.



Nakiusap lang si Hope na huwag ipakita sa harap ng TV camera ang kanyang mukha dahil, bukod sa dalaga siya, walang kamalay-malay ang magulang niya tungkol sa naging relasyon niya kay James.



Ang paglantad ni Hope ang kumpirmasyon na babae at hindi ibang isyu ang dahilan ng problema nina Kris at James.



Noong nakaraang linggo, humingi ng tawad si James kay Kris sa The Buzz, isang malinaw na pruweba na aminado ang cager na mayroon siyang kasalanan sa asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN