Lani Misalucha admits to "enhancement"


Lani Misalucha recounts her experiences in Las Vegas, where she regularly performs back-to-back with Toni Braxton at the Flamingo Hotel.



Halos ‘di pa nakakatulog nang husto ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha nung humarap siya sa launching ng kanyang self-titled album under Universal Records last Monday, February 19, sa Linden Suites. Sa kabila nito, walang pinalampas na tanong at intriga si Lani na ibinabato sa kanyang pagbabalik.

Una na rito ang tunay na dahilan ng pagma-migrate ng kanyang pamilya sa Amerika. Taong 2004 umalis ng bansa si Lani, ang kanyang asawa na si Noli, at ang dalawa nilang anak na babae.

Kasagsagan noon ng kasikatan ni Lani kaya marami ang nagtataka kung bakit iniwanan niya ito. Ang pinakamalakas na bulung-bulungan sa pag-alis ng bansa ni Lani at ng kanyang pamilya ay dahil sa naging biktima ng networking scam ang asawa ng singer na si Noli.

"Alam mo, yung pag-alis ko noong 2004, bago ako umalis, marami pa akong gagawin noon. Meron akong album, meron akong major concert. Parang ngayon na lang natutuloy lahat. So yung pag-alis ko ng Pilipinas, hindi dahil nadyubusan na ng salapi. Hindi, hindi dahil sa scam na ‘yan. Ang pangit di ba? Meron naman akong pera. Dalawa nga ang bahay ko doon, e. Charing!" may halong pagbibiro pa ni Lani sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

ABS-CBN. Sa pagbabalik ni Lani, marami ang nagulat nang sa ASAP '07 ng ABS-CBN siya lumabas, imbes na sa SOP ng GMA-7 kung saan siya naging host before she left.

"I want to make it clear again kasi it's somehow parang... paano ba ‘tong sasabihin ko? Siyempre para kang nasa isang kumpanya, dati kang, let's say, secretary. E inu-offer ka nitong isa na mas mataas pa sa secretary. Siyempre, ikaw may goal ka e. Kung ano ang ikaka-advance ng career mo o ng profession mo. With this matter, kumbaga, mas naplantsa lahat para sa ikakabuti ng concert at ikakabuti ng album," mahabang paliwanag ni Lani, na ang tinutukoy ay ang Missing You... concert niya sa Araneta Coliseum on March 17 at ang kanyang self-titled album sa Universal Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin nito ay mas wider ang exposure na makukuha niya with ABS-CBN?

"Exactly," pag-amin ni Lani. "Of course, I'm not going to deny that na mas kasi like ngayon sa Amerika na ako nakatira, mas broader, mas malaki ang possibility na mari-reach out mong audience."

Dagdag pa niya, "Hindi ko made-deny na mas ang nari-reach ng TFC [The Filipino Channel, ABS-CBN's international cable channel]. Oo, kasi meron sa Saudi Arabia, meron sa Japan, meron sa Australia. So, you know, kailangan natin yung kung alin ang mas makakabuti sa 'sangkatauhan."



ENHANCEMENT. Samantala, marami ang nakapansin na mas gumanda ngayon si Lani. Diretsahang tinanong si Lani kung may nabago ba sa kanyang mukha?



"Meron! Ganito ba ako noon?!" tawa niya.



Ano ang nabago sa kanya?



"Ang nabago sa akin ay ang maganda kong kalooban. Ang pangit ng sagot! Kasi ikaw, di ba, kung may maganda kang kalooban magra-radiate ‘yan!" pagbibiro niya uli.

Marami ang nakapansin na mas gumanda ang kanyang ilong.

"Ang ganda, ‘no? Fifty percent off ‘yan! Uy, hindi. Wala akong ginawa diyan. Honestly, wala talaga. Walang surgery, turok lang ‘yan!" tawa pa niya.

"Wala talagang matinong sagot! Ako ba, kasalanan ko ba kung maging maganda ako? Paggising ko ganyan na ako! Kayo talaga masyado kayong mag-accuse. Charing!

"Baka naman sa susunod, ‘pag lumaki naman ang dede ko, ‘Ano, bago ba ‘yan?' E ano kung nakuha ko ‘to sa mall? Ano ba?!

"Pero thank you kung napansin mo na maganda ako ngayon. Marami lang akong taghiyawat kasi sobrang nagbi-breakout ako dahil sa tensyon at sa pagka-pressure," aniya pa.

So wala talaga siyang ipinabago o ipinadagdag or whatever?

"Merong ano, merong enhancement," natatawa niyang pag-amin.

LAS VEGAS. Hindi na ba sila magse-settle ng family niya rito sa Pilipinas?

"Alam mo, ayokong magsalita ng tapos kasi sa ngayon, talagang masasabi ko sa inyo na hangga't may trabaho ako sa ibang lugar, doon muna ako," sagot ni Lani, na regular na nagpe-perform sa Flamingo Hotel sa Las Vegas, Nevada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon, ang trabaho ko nga ay sa Flamingo Hotel. Na ako ay nagtatrabaho araw-araw at 3 pm, from Wednesday to Sunday, with the Society of Seven. Na ang gabi ay si Toni Braxton naman ang nagtatrabaho. Nakakasalubong ko siya at nagra-rubbing elbows kami. Charing! Hindi, hindi. Ganyan lang kami, ‘Hi!'" masayang kuwento pa niya.

Sino pa ang mga nakatsikahan niyang international stars sa Las Vegas bukod kay Toni?

"Ay, si Aling, uhm, si Gladys Knight. Pinanood niya ako. Nakakatuwa!" aniya.

Ano'ng sabi ni Gladys sa kanya?

"Shit ka, huh!" biro ni Lani sabay halakhak.

"Hindi, alam mo nakakatuwa siya, honestly. After ng show, nagpunta siya [Gladys] sa backstage ‘tapos niyakap niya ako. ‘Tapos sinabi ng producer namin sa kanya, ‘So in one word, what can you say about our show?' Sabi niya, ‘Oh, my goodness! You're going to ask me? There's no one word that I can say. Hello?'

"Na parang sinabi niya na hindi ko madi-describe ‘to in one word. ‘I'm sorry,' sabi niyang ganun. E bigla ko siyang kinausap ko kinabuksan kasi she gave me her number. We're close! But honestly, she really did gave her number to me. Nakakatuwa siya," paglalahad pa ng Asia's Nightingale.

Umabot din dito sa Pilipinas ang balitang nanonood sa show niya sa Las Vegas si Celine Dion. Totoo ba ito?

"Oo, pini-pickup yung dinuguan na pinaluto niya sa akin!" biro ulit ni Lani.
"Sa totoo lang, sabi nung mga ano... I didn't really get to, I don't know if it was ever true or not. It could've been very nice if na-meet ko siya, like harap-harapan. But then, umikot lang yung tsismis.

"Kasi one time, nung nasa Bally's pa kami—hindi sa Flamingo—pagkatapos ng show, biglang may nakakakita sa kanya [Celine] na mga ushers. Yung ushers, parang napa-‘Oh, my God! It's chuvanes!' Parang ganun. Sabi niyang ganun, naka-incognito raw tapos may kasamang ano. At habang nanonood, parang she was like giggling, especially doon sa part na ginaya ko siya. So I don't know whether if it's true or not but it went around," kuwento ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nagpunta lang daw si Lani sa United States ay naging daring na siya sa kanyang pictorial for the cover ng bago niyang album.



"Sinubukan ko ang isang avenue kung talaga bang... Meron bang effect kung kumot lang ang damit? Charing!" tawa pa niya.

"Hindi, hindi. Kasi, di ba, nakikita nyo naman ang previous albums ko? Konting demure, konting pa-cute. E dyusko, sa edad ko naman na ‘to, magpapa-cute pa ako? So 'eto, this kind of picture doesn't necessarily project kung ano talaga ang pagkatao mo.

"And you know what? Ayoko ngang sabihin na porke nga nagpunta na ako ng Amerika... I must admit, of course, somehow merong influence ng environment, you know. But of course, you will just pick up the ones that will benefit you and only the good ones. Of course, alangan naman na pikapin mo ang makakasama sa ‘yo?" pagtatapos ni Lani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN