Carrie Lee flies back to Malaysia


Malaysian beauty queen-turned-actress Carrie Lee returns to Malaysia after taping and promoting the aftrenoon drama series Muli.



Lumipad na pabalik ng Malaysia ang beauty queen-turned-actress na si Carrie Lee noong Lunes, February 19, bandang alas-tres ng hapon.

Tapos na kasi ang taping at promo ni Carrie para sa Muli, na incidentally ay nag-pilot din last Monday sa GMA 7's Dramarama sa Hapon with a very impressive rating of 19.4 percent.

Si Carrie ang leading lady rito ni Alfred Vargas, kung saan kasama rin sa cast sina Marian Rivera, Victor Neri, Gabby Eigenmann, Alicia Mayer, Renz Valerio, at Odette Khan. Tampok din sa Muli ang mga Malaysian actors na sina Tony Eusoff, Dynaz, Alvin Wong, at Daniel Tan. Ang naturang serye ay idinerek ni Mac Alejandre.

Bago siya umuwi nung Lunes, nag-promote muna si Carrie sa Unang Hirit. Pagkatapos nito, dumaan siya sa Westin Philippine Plaza Hotel para magpamasahe muna at magpa-body scrub.

Then, nag-ayos na siya ng kanyang mga gamit 'tapos tumungo sa airport. Lulan ng Malaysian Airlines ay bumiyahe na si Carrie patungong Malaysia.

Since isang sikat na artista, modelo, at newscaster sa kanyang bansa si Carrie, ang kanyang showbiz career muna raw ang haharapin niya at pag-uukulan ng panahon.

Pero hindi rito nagtatapos ang link ni Carrie sa ating bansa. Sa March kasi, lilipad ulit patungong Malaysia si Alfred para sa dubbing at promotions ng Muli. Sa summer kasi magsisimulang ipalabas ang nasabing Philippines-Malaysia co-production sa Malaysia.

Kaya tiyak na tuluy-tuloy ang isyu ng pagli-link kina Carrie at Alfred, lalo pa nga at mukhang hindi na magkakabalikan sina Carrie at ang Malaysian boyfriend nito na dalawang beses na pala silang nag-break.

Si Alfred naman ay cool-off pa rin sa girlfriend nitong si LJ at wala pang katiyakan kung magkakabalikan pa sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN