Faith drops Cuneta from her screen name


The Asianovela Diva's screen name from now is simply Faith.



Last year lang pala nalaman ng Megastar na si Sharon Cuneta na kamag-anak niya ang tinaguriang Asianovela Diva na si Faith Cuneta. Bale second cousin ni Sharon si Faith.



"Noong pumasok ako sa showbiz ay hindi pa kami magkakilala. Kakilala ko siya siyempre, pero nakilala lang niya ako last year sa Valentine show niya," panimulang kuwento ni Faith tungkol kay Sharon sa dressing room ng ABS-CBN bago siya isalang sa The Buzz last Sunday.

Ibinalita rin ni Faith na hindi na niya gagamitin ang apelyido niyang Cuneta sa kanyang screen name. Ito ay upang maiwasan na rin ang mga intrigang ginagamit lang niya ang apelyidong Cuneta para ma-identify siya kay Sharon.



"Faith na lang para hindi ako mapagbintangang manggagamit," ani Faith. "Actually, kung nakikita ninyo, 'yong first album ko, Faith na talaga ang ginagamit ko nang mag-showbiz na talaga ako.

"It just so happened na nakilala nila akong Carmela Cuneta noon pa. Parang naisama lang nila yung Cuneta sa screen name ko na supposed to be ay Faith lang. Pero huwag na nating pag-usapan ang mga ganyan kasi baka magalit na naman si Mega.



"Gusto kong maging successful sa sarili kong kayod. In fairness, nakatulong nang malaki yung pagiging Cuneta ko, pero parang hindi naman ako masaya na pinagbibintangan ako na manggagamit. Kasi hindi naman talaga at 'yon naman talaga ang apelyido ko. Dala-dala ko nga ang passport ko at Cuneta talaga ang apelyido ko!" tawa pa niya.

Samantala, tinanong din namin kay Faith ang unang reaksiyon niya sa pagkaka-aresto ng kanyang manager na si Jacob Fernandez last Friday, February 16, habang nagku-concert siya sa Metro Bar.

"Na-shock ako siyempre kasi wala talaga akong alam. May naririnig ako tapos one time, tinanong ko siya [Jacob]. Sabi niya, ‘Huwag mo akong tanungin ng mga ganyan, naaapektuhan ba ang career mo?' Well, that's true naman, parang it's none of my business so never ko na siyang tinanong about it. Pero wala akong alam kung ano talaga ang case niya, wala. Parang sinasabi lang na may kaso, pero wala, di kasi ako nakikialam," kuwento ni Faith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa pagkahahuli ba ni Jacob ay hindi naapektuhan ang relation nila as manager and talent?



"Sa ngayon, hindi pa. Kasi ilang araw pa lang, hindi ko pa makita e. For now, hindi naman siguro kasi nandiyan naman ang mga handlers ko, alam naman nila lahat ang gagawin," pagtatapos na ni Faith.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN