Mark Herras denies picking up a call girl on Quezon Avenue


"Bakit naman ako mamimik-ap? Tanga ba ako para gawin ‘yan?" says Mark Herras about a rumor that he picked up a call girl on Quezon Avenue.



Nagulat kami sa pagbibiro ni Mylene Dizon na sila na ni Mark Herras nang bumisita ang (PEP) Philippine Entertainment Portal sa taping nila for Princess-Charming sa Marcos Compound sa Quezon City.

"Kami na, pero chorva lang, walang feelings!"ang humahalakhak na sabi ni Mylene.

Nadatnan kasi ng PEP na nag-uusap nang masinsinan sina Mylene at Mark kaya bago sila paghinalaan na may relasyon ay inunahan na ni Mylene ng pagbibiro. Tawa rin nang tawang itinanggi ni Mark na may namamagitan sa kanila ni Mylene.

Ipinaliwanag ni Mark kung bakit masinsinan ang pag-uusap nila ni Mylene nang datnan ng PEP.

"Mabigat kasi ang eksenang kukunan sa amin, kaya pinag-aaralan naming mabuti ang script para sa batuhan namin ng linya," pahayag ni Mark.

Sa ngayon ay wala pa ring girlfriend si Mark. Consistent ang binata sa pagsasabing hindi niya muna aatupagin ang pambababae. Nag-iingat siya ngayon lalo pa't naintriga siyang namik-ap ng isang call girl sa Quezon Avenue kamakailan.

"Ewan ko ba, wala na sigurong maimbentong kuwento tungkol sa akin kaya ‘yan naman ang naging isyu. Bakit naman ako mamimik-ap? Tanga ba ako para gawin ‘yan? E alam kong mababalita agad kapag ginawa ko ‘yan," paliwanag ng young actor.

"Tsaka kailangan ko bang gawin ‘yun?" tanong pa niya. "Sa dami ng trabaho ko ngayon, wala na akong oras para sa mga ganyang katarantaduhan. Isa pa, siguro kahit may oras ako, hindi ko pa rin gagawin yun dahil alam kong hindi dapat."

Noon, hindi itinanggi ni Mark na pinagdaanan niya ang ganitong klase ng kalokohan, although hindi naman daw siya pumik-ap ng bayarang babae. Pumasok lang daw sila ng kaibigan niyang si Rainier Castillo sa isang girlie bar para manood ng show. Iyon ay during the time na halos nagsisimula pa lang sila sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN