Ex-lovers Anne Curtis and Oyo Sotto to be paired in "Your Song"


Former sweethearts Anne Curtis and Oyo Sotto will work together for the first time after their break-up.



Mukhang tuloy na tuloy na ang muling pagsasama ng ex-couple na sina Anne Curtis at Oyo Sotto sa isang episode ng Your Song ng ABS-CBN.



Pinaplantsa na lang daw ang magiging istorya ng pagsasamahan nina Anne at Oyo. Wala rin daw problema sa dalawang young stars ang pagsasama nila ulit para sa isang project dahil magkaibigan pa rin naman sila hanggang ngayon.



Kung matatandaan ay matagal ding nagkaroon ng relasyon sina Anne at Oyo, pero isang pelikula lang ang pinagsamahan nila—ang Lastikman noong 2003 kung saan bida ang ama ni Oyo na si Vic Sotto.



After mag-break sina Anne at Oyo, na-link sila sa iba't ibang celebrities.

Si Oyo ay na-link romantically kina Alessandra de Rossi, Nadine Samonte, Iya Villania, at Angel Locsin.



Si Anne naman ay na-link kina Cogie Domingo, Luis Manzano, Paolo Araneta, at ngayon ay sa co-star niya sa Maging Sino Ka Man na si Sam Milby. Nali-link din si Anne kay Erwin Genuino, anak ng PAGCOR Chairman na si Ephraim Genuino, pero close friends lang daw ang dalawa.



Ngayong kapwa loveless sina Anne at Oyo, may mga nagsasabi na baka ma-rediscover ulit nila ang isa't isa. Who knows at baka nga sa ending ay sila pa rin ang magkatuluyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN