Assunta de Rossi still not pregnant


After almost five years of being married to Jules Ledesma, Assunta de Rossi (pictured) is still waiting to get pregnant with their first baby.



Nakabalik na pala si Assunta de Rossi mula sa trip nila ng kanyang mister na si Rep. Jules Ledesma sa Europe. Marami ang umaasa na buntis na si Assunta pagbalik niya, pero malungkot na ibinalita ni Mrs. Ledesma na hindi pa rin sila nakakabuo. ni Jules.



Ayon kay Assunta, nag-enjoy kasi sila nang husto ni Jules sa pamamasyal sa Europe at sinabayan pa nila ito ng pagbisita sa pamilya ng sexy actress sa Italy. Mga three weeks daw silang nagbakasyon, pero ang goal nilang magka-baby ay hindi natupad.



"Bahala na ang Diyos sa amin," sabi ni Assunta. "Alam ko naman na balang araw, He will bless us with a child. Baka nga hindi lang isa kundi marami pang babies. Yun naman kasi ang dream naming dalawa [ni Jules], yung magkaroon ng maraming anak."



Ayon pa kay Assunta, hindi na raw silang masyadong magta-try na magkaroon ng baby. Maghihintay na lang daw sila ng tamang panahon.

Dalawang beses ikinasal sina Assunta at Jules. Ang una ay ang civil wedding nila noong December 14, 2002 sa hacienda ng mga Ledesma sa Negros Occidental. Ang pangalawa ay ang church wedding nila noong March 14, 2004 sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati.

May dalawang anak na si Jules from his first marriage.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN