Danica Sotto and Marc Pingris wedding will push through as planned


Danica Sotto and Marc Pingris will be wed on March 3 as planned, dismissing a rumor that the actress-singer cancelled the wedding after finding out that her husband-to-be has another woman.



Maraming nagmamahal kina Danica Sotto at Marc Pingris ang nabigla noong Linggo ng tanghali, February 18, sa pagbu-broadcast ni Tita Swarding sa radio program niyang Ola Chika Na! sa DZRH na "fifty-fifty" ang chance na matuloy ang kasal ng dalawa sa March 3.

Nagsimula ang balita sa kolum ni Tita Swarding sa tabloid na Iskandal, na lumabas din noong Linggo, na nagsasabing nabuko diumano ni Danica na mayroong ibang babae na kinalolokohan ang kanyang husband-to-be. Ayon pa sa balita, nagwala raw diumano ang actress-singer at ang ending ay kanselado na ang Christian garden wedding nila na gaganapin somewhere in Alabang.



Isang source na malapit kina Danica at Marc ang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, February 20, ang nagsabing walang katotohanan ang balita dahil tuloy na tuloy ang kasal. Sa katunayan, noong Linggo ng tanghali, habang pinag-uusapan sa radio program ni Tita Swarding ang balitang ito, ay masaya sina Danica at Marc na nagpa-practice ng kanilang sayaw sa Alabang.



Ayon pa sa source, maraming mga entertainment writers ang gustong makuha ang panig nina Danica at Marc, pero pinili ng dalawang manahimik.

"Private naman ang gagawin nilang kasal kaya dapat tahimik lang ito," sabi ng source. "Hindi dapat paingayin dahil mga iilang friends lang naman ang invited, mga pamilya at kamag-anakan na ang iba. Hindi ito showbiz affair kaya dapat huwag itong gawing maingay."



Dagdag pa ng source, "Si Marc ang naapektuhan sa isyu dahil hindi naman siya sanay sa mga intriga. Kaya nga gusto nitong makausap ang nagpasimula sa tsismis. Pero si Danica ay cool and relaxed lang. Batang-showbiz naman 'yan kaya tahimik lang siya.



"Actually, ikinagulat ni Danica ang balita at napatawa pa ito dahil dahil kung totoo ang balita ay ‘di pala nito kilala nang lubusan ang kanyang magiging asawa. Pero ang totoo ay kilalang-kilala niya si Marc kaya tuloy ang kasal sa March 3."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito ay tumawag sa PEP ang lady boss ng Eat Bulaga! na si Malou Choa-Fagar upang personal na pabulaanan ang lumabas na intriga. Si Malou ang isa sa mga ninang sa kasal nina Danica at Marc.



"Pakisabi kay Tita Swarding na hindi totoo na hindi matutuloy ang kasal. Dapat siya ang kakausapin ko kaya lang wala akong number niya. Tuloy ang kasal at katunayan, handang-handa na ako dahil isa ako sa mga ninang. Pakisabi sa kanya na mali ang balita at tuloy ang kasal," paglilinaw ni Tita Malou, na malapit ding kaibigan ng mga Sotto.

Si Danica ang panganay na anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie, samantalang si Marc naman ay isa sa pinakasikat na manlalaro ng koponang Purefoods sa Philippine Basketball Association (PBA).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN