James Yap's camp pleads with "Startalk" not to air Hope's interview


James Yap tries to clean up the mess he created by attempting to stop the airing of Startalk's interview with Hope, the woman he had an affair with.



Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makatanggap ng tawag sa telepono kahapon, February 21, ang Startalk staff mula sa isang tao na malapit sa basketball player na si James Yap.



Ipinaabot ng caller ang pakiusap ni James na huwag nang ilabas ang exclusive at explosive interview kay Hope, ang babae na lalantad sa Startalk sa Sabado, February 24, para sabihin ang mga detalye ng 10-month long relationship nila ng asawa ni Kris Aquino.



At press time, wala pang desisyon ang management ng Startalk kung pagbibigyan nila ang pakiusap ni James, na nangako na tatanawin nito na malaking utang na loob kapag hindi itinuloy ang airing ng exclusive interview kay Hope.



Bagama't pinatawad na ni Kris si James—sa kagustuhan na rin ng TV host-actress na mabuo ang kanilang pamilya lalo pa't isisilang na niya ang kanilang unang anak ngayong Mayo—inaasahan na mas lalaki pa ang isyu tungkol sa marital problems nina Kris at James dahil sa gagawing paglantad ni Hope sa Startalk.



Inamin na rin ni Cristy Fermin sa mga tabloid columns nito na may tampuhan sila ni Kris at may kinalaman pa rin dito ang nabulgar na relasyon nina James at Hope. Kasamahan ni Kris si Cristy sa The Buzz, isang showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN.

Inaabangan ang paglabas ni Hope sa Startalk ng GMA-7 dahil ito ang unang pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa kontrobersiyal na relasyon nila ng asawa ni Kris.

Kahapon ay inilabas ng PEP ang balitang kinumpirma ni Hope na nagkaroon sila ng relasyon ni James sa interview sa kanya ng Startalk co-host na si Lolit Solis. Naganap ang interview ni Lolit sa dating empleyado ng Belo Medical Group noong Tuesday, February 20.

Ayon sa isang source ng PEP, bukod sa nakatakdang ipalabas na interview ni Hope—na ayaw magpakuha sa harap ng kamera—ay pumayag din daw siya for a live phone patch interview sa Startalk this Saturday. May mga isisiwalat pa raw si Hope na hindi niya nabanggit sa interview sa kanya ni Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN