Maritoni Fernandez not in favor of celebrities joining politics


Although Maritoni Fernandez is not in favor of celebrities running for public office, she still wish them luck and hopes that, "They do well, and their heartis for the people. And that they meanto make the country a better place."



Hindi na nakatanggi ang aktres na si Maritoni Fernandez nangtanungin ang kanyang opinyon tungkol sa mga kapwa artistang tatakbo sa daratingna eleksyon. Noong una ay umiiwas pa sa tanong ang aktres nang makausap siyang PEP (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine sa press con ng McDonald's para sa Open Doors Program noong Pebrero20.

Bandang huli ay hindi na rin naiwasan ni Maritoni nasabihing, "I'm not so much for it because I think it takes a certain amount ofbackground, a certain kind of education, and a certain kind of upbringing tobecome a good public servant, you know. And you have to have the heart for thepeople talaga."

Sa kabila ng pahayag na ito, hindi naman nilalahat niMaritoni ang mga artistang tatakbo sa darating na eleksyon. Pagpapatuloy pa ng aktres, "I don't know, it's just that most of thepeople in town turned artistas in public office haven't exactly done, you know,an amazing job so it's very discouraging.

"I mean, sana naman magkaroon tayo ng mga artista... I mean,of course, I'm sure hindi lahat ng artista ganoon, di ba? So, who am I to judge? Kung sino man diyan na artista na gustongtumakbo for office might do a better job. We never know."

Bukod dito, naisip din ng aktres na marahil konektado angpagtamlay ng local films sa pagtakbo ng ilang artista para sa posisyon sagobyerno.

"You know, I hate to say this, but I can't help but thinkmaybe it's also because show business is doing so badly now. You know, the local film industry is doingso badly so they're trying to look for a second career. And maybe politics," paliwanag ni Maritoni.

Gayunpaman umaasa pa rin ang aktres na sana ay maging maayosang paghawak nila sa mga posisyon kung sakaling manalo man ang mga artista sabotohan sa darating na eleksyon.

At ang panghuling mensaheng naibigay ni Maritoni para sa mgakapwa artistang nagnanais pumasok sa pulitika: "All I can say is I wish themwell. I hope that they know where their heart is and that it is in the rightplace. And that they don't turn. I really hope that they do well, and their heartis for the people. And that they meanto make the country a better place."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN