Tanya Garcia two months pregnant with Mark Lapid's child?


Tanya Garcia is reportedly two months pregnant with rumored boyfriend Gov. Mark Lapid's baby.



Tumanggi ang kampo ni Tanya Garcia na sagutin ang isyu na ipinagbubuntis niya ang magiging anak nila ng kanyang rumored boyfriend na si Pampanga Governor Mark Lapid.



Maugong ang balita na dalawang buwang buntis si Tanya, pero sinabi ng kanyang kampo na mas makabubuti na si Gov. Lapid na lang ang tanungin ng mga reporter.



Susubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang pahayag ni Mark at ng production staff ng Super Twins. Mainstay si Tanya ng Super Twins at, diumano, nagpasabi na siya na magbabakasyon muna dahil maselan ang kanyang pagbubuntis.



Nag-umpisa ang balita na nagkamabutihan sina Tanya at Mark nang magkasama sila sa pelikulang Batas Militar last year.



Noong November 2006, inamin ni Tanya sa PEP na diamond ring at expensive wrist watch ang regalo na natanggap niya mula kay Mark.

Wala pang pormal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng relasyon nila. Tuwing tinatanong sila, "no commitment" ang palaging sinasabi nina Tanya at Mark.

Kung saka-sakali ngang totoong buntis si Tanya, hindi na nila kailangan pang sagutin kung sila na nga dahil very obvious naman na.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN