Director Joel Lamangan foregoes plan to run in Cavite


Joel Lamangan has decided to stick with film directing.



Hindi na papasok si Joel Lamangan sa pulitika.

Naging isang malaking balita noon nang may isang litratong nai-publish sa napakaraming pahayagan kung saan nag-o-oathtaking si Direk Joel, together with the administration party officials, sa bayan ng Cavite. Naibalita pagkatapos nito na tatakbo bilang mayor ng Cavite City si Direk Joel and will run for the administration party.

Joel has been known to be a very avid and vocal supporter of the opposition. During the last presidential election, isa si Direk Joel sa mga frontliners ng nasirang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., who ran against President Gloria Macapagal Arroyo.

Noon pa lang, na-explain na ni Direk Joel that the picture in question has nothing to do with a concrete plan of him running for office. May ibibigay lang daw kasing provincial position ang pamahalaan sa kanya and it was about a project concerning arts and films.

Sa press con ng kanyang latest movie from Regal Films, ang Happy Hearts starring Rustom Padilla, Wendell Ramos, Jean Garcia, and the pair of Shaina Magdayao and Rayver Cruz, tahasang sinabi ni Direk Joel na hindi nga siya tatakbo.

Nauntog na raw siya. Sabi niya, "naibaon na sa limot at inagos na ng hangin" ang plano niya.

Explaining further, Direk Joel said that when some people in the administration talked with him about this, kung nagkaroon man siya ng initial interest, hindi na rin naman siya nag-pursue about this.

Mas gusto na lang ni Direk Joel to make movies. Once in a while naman, he can express his political beliefs through his films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN